Eyes XXIV

26 1 0
                                    

Do your best to present yourself to God as one approved, a worker who has no need to be ashamed, rightly handling the word of truth.~2 Timothy 2:15

~*~

Ika-Dalawampu't Apat na Kabanata

"ASO ka ba? Bakit ka nag-woof?" Biro ko sa kaniya.

Lahat na lang dinaan ko sa joke. Kasi naman alam kong corny ang banat kong I woof you, tapos eto namang si Cynic ginamit pa.

Kainis naman! Bakit noong siya ang nagsabi ng linyang iyon at parang lumundag ang aking puso? Geez. Kailangan ko na ata ng cardiologist.

"Future aso-wa mo," tugon niya na halos ikalaglag ng aking panga.

Sa aking pagkabigla, nahampas ko tuloy siya ng stuffed animal na nakuha niya sa claw machine. I don't know how I will react, okay?

Alangan naman maglumpasay ako dahil kinilig ang ng very slight lang sa banat niya. Hindi ko naman gagawin 'yon sa public place, mamaya na lang siguro sa kuwarto ko.

"Alam mo, bago mo pa ako mabola sa mga salita mo, sayaw na lang tayo! Tara!"

Hinila ko su Cynic papunta sa Just Dance Area. Pagkadating namin doon, mayroon pang gumagamit ng machine. Mabuti na lang at patapos na sila at hindi kami naghintay ng matagal.

Na-miss kong sumayaw kaya rito ko na lang ibubuhos ang nararamdaman ko. Masyado akong na-focus sa pag-aaral at feel ko kakalawangin na ako sa pagsasayaw.

"Showdown tayo," panghahamon ko sa aking kasamahan.

Napakamot si Cynic ng kaniyang batok. "Ahm... How would I say this?" He almost whispered, but I still hear it.

Tumikhim muna siya bago magsalitang muli. "Pareho kasing kaliwa ang paa ko."

Napangiti ako sa kaniyang inasta, hindi dahil he's not good at dancing. Ang cute niya kasing mahiya.

"Tuturuan kitang sumayaw," sabi ko.

"Maybe next time. Cheer na lang kita ngayon," sagot niya at sinenyasan akong pumunta na sa just dance machine.

Napatango na lang ako sa kaniya at namili na ako ng aking sasayawin. Maybe I'll just dance one song and aayain ko na si Cynic sa ibang game. Baka kasi mainip siya kakanuod lang sa akin.

Nang magsimula na ang music ng aking sasayawin at sumulyap muna ako Kay Cynic bago humataw. Nakita ko siyang hawak na ang kaniyang phone at nakatutok na ito sa akin.

Binigyan din niya ako ng isang matamis na ngiti at nag-thumbs up pa siya sa akin. I did the same and nag-focus na ako sa pagsasayaw.

Hinayaan ko na lang si Cynic na i-video ako at todo cheer talaga siya sa background, gaya ng sabi niyang gagawin niya. Akala mo nga ay nasa dance contest ako dahil mayroon akong audience impact.

"That's my girl!" he shouted at the end.

Pagbaba ko ng dance floor, nakita kong mayroon na palang mga taong nanunuod sa akin. Nagsipalakpakan sila at nagsigawan pa ang iba. Wow. Instant celebrity ako ah. Mabuti na lang at wala atang nakakilala sa akin bilang vlogger. Nakakahiya kasi baka mamaya magpa-picture sila at amoy pawis na ako.

Kahit na isang kanta lang ang sinayaw ko, tinodo ko na ang hataw. Lumapit naman sa akin si Cynic at inilabas niya ang isang panyo sa kaniyang bulsa.

Nagulat na lamang ako nang idampi niya ito sa aking noo kung saan namumuo ang aking mga pawis. Hindi ko tuloy maiwasan ang napatitig sa kaniyang mapupungay na mga mata.

Eyes of Imperfection | Sixth of Ace: CoastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon