Eyes I

862 16 5
                                    

Do not neglect to do good and to share what you have, for such sacrifices are pleasing to God.
~Hebrews 13:16

~*~

Unang Kabanata

"ISANG chapter na lang!" sabi ko sa aking sarili. Pagkatapos nito ay matutulog na talaga ako. Mayroon pa akong klase bukas.

Hindi ko kasi ma-resist ang pang-aakit ng binabasa ko! Ayos lang magpuyat at magka-eyebags dahil sa Wattpad, huwag lang sa maling tao! Ayos lang din masaktan at iyakan ko ang isang story kaysa sa lalaki!

Ganito palagi ang routine ko. Kain. Tulog. Aral. Wattpad. Repeat. Lalo na kapag bakasyon. Wala akong bagon sa aking kama. Wattpad maghapon. Wattpad hanggang mamatay.

Kahit na panay basa lang ako rito at adik na adik ako sa Wattpad, may ibubuga pa rin ako sa acads. Ang dami ko kayang natututunan sa mga story dito.

Also, Wattpad is my escape to reality. Gasgas na ang linya na ito, pero totoo. Tinutulungan ako ng Wattpad na makatakas muna sa magulo at mapait kong mundo kahit panandalian lamang.

Napatigil ako sa pagbabasa nang tumunog ang aking messenger. Mukhang nakalimutan ko na namang i-mute ang mga messages. Ganito kasi ako, kapag magbabasa na ng Wattpad, muted ang lahat ng mga social media account ko.

Yoo ♡ sent a message

Imbes na mainis, napangiti ako nang mabasa ko ang pangalan niya. Si Jejomar ang nag-chat sa akin and his nickname on my messenger is Yoo, stands for Your Only One. He is not my boyfriend, but we have MU. Malanding Ugnayan.

I met him at omegle. I just got bored last summer vacation and decided to talk some strangers there. Then, he caught my attention. Even he hasn't pogi typings, he's a gentleman though.

Pareho rin kami ng probinsya na tinitirahan, kaya pinatos ko na. May crush din kasi ako sa kaniya at hindi ko ito kinahihiya. Nalandi at first Omegle ako sa kaniya.

Yoo♡
gising kpa ba?
23:34

Me
Patulog na ako, Yoo.
Good night!
23:35

Pagka-send ko nito, agad kong nilipat ang tab sa Wattpad. Balik basa uli ako. Kaya lang, dalawang minuto pa lang ang nakakalipas, nakatanggap na naman ako ng tawag sa kaniya.

Yoo♡
Cge. Election nyo n bkas. Nagchat lang aq para iGud luck ka. Gud night.
23:37

I just heart react on his message and muted him. Well, understood na sa kaniya ito na inaantok na ako, pero magbabasa pa talaga ako ng Wattpad.

Besides dito, malanding ugnayan pa lang ang mayroon kami kaya mas prioritize ko ang pagbabasa. At least hindi ibang lalaki ang pinagkakaabalahan ko.

Bumalik na ulit ako sa Wattpad app ko. Hindi ko maitigil ang aking pagbabasa dahil sobrang relate ako sa bida. Parang ako nga ang nasa kuwento eh.

The protagonist of the story that I am reading has the same personality as me. Jolly, talkative, and friendly, yet she's hiding the pain inside her.

Yep, I'm that person. Hindi lang halata pero magaling akong magtago ng totoong ako sa likuran ng isang maskara. Kahit na kaibigan ko pa ang kaharap ko.

Nang bumalik na ako sa pag-wa-wattpad, hindi ko namalayan ang oras. Basta ay dinapuan na lamang ako ng antok at hindi ko na maintindihan ang aking binabasa.

~*~

NAGISING ako ng alas singko ng umaga dahil sa alarm ko. Halos wala nga ata akong naging tulog dahil napuyat ako sa pagbabasa.

Eyes of Imperfection | Sixth of Ace: CoastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon