Eyes XXI

59 2 0
                                    

Whatever you do, work heartily, as for the Lord and not for me
~Colossians 3:23

~*~

Ika-Dalawampu't Isang Kabanata

CYNIC is acting too gentleman for this day. Iyong mga bagay na hindi niya ginagawa sa akin noon, ginagawa na niya ngayon.

Kanina pa kami nakauwi at napapaisip pa rin ako sa mga kilos niya. Nandoon pa rin ang maloko niyang side, pero he suddenly became my right hand earlier.

Matapos niyang bitbitin ang pinamili kong libro, pumunta kami sa clothing stores upang samahan naman si Webster. Medyo nagtagal kami sa pagtingin tingin ng mga damit at nakaramdam ako ng uhaw. Hindi pa man din ako dumadaing, binili na ako ni Cynic ng tubig.

Nang mag-grocery naman kami, he bought me a chocolate and ice cream. I asked him what was this all about, he simply said that I deserve it after a stressful week.

On the other hand, Webster suddenly became like a third wheel. He's not talking that much, but I can feel the judgment of him every time he sees me move. Ewan ko, palagi ko siyang nahuhiling nakatitig sa akin at hindi ko alam kung bakit.

Kahit na parang naging ganito ang nangyari, hindi hinayaan ni Cynic na maging awkward si Webster. Palagi rin niya itong kinakausap. Well, kami lang naman kasing dalawa ang awkward sa isa't isa.

Webster is not quiet in school, masungit siya kapag nasa labas. Ang kaso, kapag kaharap niya ang kaniyang pinsan, para siyang naputulan ng dila. Maybe I'm wrong about this because he has too many personalities. Minsan mabait, madalas nakakabuwisit.

I'm at my bed right now preparing to sleep these thoughts are circling in my mind. Napapaisip pa rin kasi ako aa mga nangyari kanina sa gala naming tatlo. Inaantok na ako pero ang dami pa ring tumatakbo sa utak ko.

Napatingin ako sa paper bag na nakalagay sa side table ko. Muntik ko nang makalimutan na mayroon nga pala akong biniling libro. Kinuha ko ang paper bag at tumayo ng aking kama.

Ilalagay ko muna ang mga libro ko sa bookshelf. Nang inilabas ko na Ang mga ito sa paper bag, nanlaki ang aking mga mata.

"What?! 'Di ba dalawa lang ang binili kong book--" I paused and search for the receipt.

Tinaktak ko ang paper bag hanggang sa mahulog ang resibo. Tiningnan ko kaagad kung ilang libro ang nakalagay dito. Tama naman ako na dalawa lang talaga ang binili ko, kaya saan 'to nanggaling?

Sa resibo ay mayroong nakasulat na 'For you ((:' pero hindi ko naman malaman kung kaninong handwriting ito.

Apat ngayon ang hawak hawak kong book. Ito ay 'yong dalawang binili ko, ang isa ang historical fiction na gusto ko ring bilhin, at ang isa ay ang science fiction na isa rin sa pinamimilian ko.

Hindi kaya binili ito para sa akin ni Cynic? Napaka-assuming ko naman kung iisipin, pero siya lang ang nakikita kong gumawa nito para sa akin. Imposible namang si Webster kasi ni hindi ko nga nakita kahit ang anino niya sa bookstore kanina.

Malalaman ko rin kung tama nga ba ang hinala ko. Tatanungin ko na lang si Cynic kapag nagkita kami. For the mean time, inilagay ko muna ang new books ko sa shelf.

Nang medyo naka-get over na ako sa nangyari, nawala ang antok ko. I decided to read Wattpad until my eyes get tired, because I don't want some random thoughts ruin my night. But suddenly, my plan has change.

I got a personal message from Jejomar. Ngayon na lang ulit siya nagparamdam simula nang kinausap niya ako noong nakaraan. Akala ko nga ay igo-ghost na niya ako nang tuluyan eh.

Eyes of Imperfection | Sixth of Ace: CoastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon