Eyes VI

112 16 0
                                    

But he gives more grace. Therefore it says, "God opposes the proud, but gives grace to the humble.
~James 4:6

~*~

Ika-Anim na Kabanata

"CHICKS ka ba?" agad kong tanong at pinagtaasan siya kilay.

Anong pinagsasabi niyang 'Choose me?'. May toyo ata 'tong lalaking 'to eh! Alam kong binabanatan niya ako, wala lang ako sa mood makisakay.

"Taray mo naman. Nagbibiro lang 'yung tao eh," wika niya sabay kamot ng kaniyang ulo.

Alam ko namang mataray ako ngayon, lalo na at mayroon akong dalaw ngayon. Well, what it's a girl thing. Nag-iiba talaga ako ng mood madalas kapag meron.

"In all seriousness, I can suggest na piliin mo lang 'yung mas matimbang talaga at tinitibok ng iyong puso," sabi pa ni Cynic.

Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Paano ko malalaman?"

"Gumamit ka ng kilohan," pasaring niya.

Binatukan ko nga siya kahit hindi kami close. Puro siya kalokohan eh! Mas lalo niyang ginugulo isip ko. Mga lalaki talaga!

"Aray ah!" Kaniyang daing. "Hindi ka lang pala mataray, sadista ka rin pala!"

Inirapan ko siya. "Ewan ko sa'yo, mauna na ako. Bahala ka sa buhay mo."

Tumayo na ako at kinuha ang aking bike. Pasakay na sana ako rito ngunit nakarinig ako ng isang click sa akin likuran. Napalingon ako at nakita kong nakatutok na ang lente ng camera ni Cynic sa akin.

"Smile," sambit niya at bigla na lamang sinalubong ang aking mga mata ng liwanag ng lente ng kaniyang camera.

Huli na nang ma-realize ko na kinuhanan niya ako ng litrato. Napagtanto ko na lamang ito nang narinig ko ang kaniyang pagngisi. Sinamaan ko kaagad siya ng tingin.

"Cute," he uttered and smirk at me.

"Patingin nga!" I hissed and I tried to come near to him, but he step back immediately.

"Sabi mo bahala na ako sa buhay ko. Kaya manigas ka," pasaring niya.

"Edi don't!" sigaw ko sa kaniya at tuluyan na akong sumakay sa aking bisekleta.

I don't want to please him for just a picture. Baka mainis ako sa kaniya nang tuluyan. It just a picture of me though. Sawa na akong makita ang pagmumukha ko sa salamin, kaya ayos lang sa akin.

"Basta tandaan mo sinabi ko, gumamit ka ng kilohan sa pagpili!" sigaw niya at napailing na lamang ako habang nagpepedal papalayo sa kaniya.

Mukhang magiging sakit ko sa ulo ang kapitbahay ko na 'to. Kung ang pinsan niyang si Webster ay masyadong competitive, siya naman ay masyadong mapang-asara. Ang sarap nilang pagbuhulin na magpisan.

Imbes na makapag-isip isip ako at makapagdesisyon, mas lalo pang sumakit ang ulo ko dahil sa lalaking iyon. Magbabasa na lang nga ako ng Wattpad pagkauwi ko.

~*~

HALOS labag sa loob kong pumasok ngayong araw. Hindi kasi ako pinatulog ng isipan ko kagabi. Buong gabi kong pinag-iisipan kung ano ba talaga ang pipiiin ko.

Bukod sa pagde-decide kung bibili ba ako ng wattpad book o hindi, this is one of the hardest decision that I will make. Ang hirap naman kasi na pipili ka sa dalawang bagay na pinakagusto mo pa.

"Webster!" tawag ko sa kaniya nang makita ko siyang naglalakad din sa hallway papunta sa classroom namin.

I guess he's the first person that need to know what my decision is. Dapat malaman niya nang mas maaga ito.

Eyes of Imperfection | Sixth of Ace: CoastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon