Pre-session - 00.1

534 14 0
                                    

Kakabihis ko pa lang sa female's restroom matapos mabuhusan ng mocha shake sa uniporme ng kung sinumang asungot! Pinihit ko na ang knob ng pinto para lumabas na. Ngunit, hindi pa nga ako nakadalawang hakbang ay bumuhos na sa akin ang dami ng malapot na likidong may nakakasulasok na amoy. Yuck!

Napanganga ako habang dampi-dampi na ng lamig nito ang balat ko, at sa sumunod pa'y may matigas na bagay pang tumama sa ulo ko at gumulong sa sahig nang mag-landing - isang timba. Nagtiim-bagang na ako bago pinunasan ang malapot na likidong nimaskara ang mukha ko. Hindi ako makapaniwala.

"HA!" Bwesit na bwesit akong sumigaw nang mapakla at nagparinig na kahit wala naman talagang tao, "Pasalamat kayong walang CCTV sa part ng building na 'to!"

Padabog akong naglakad papunta sa dorm room ko at natitiyak ko na namang pinagtatawanan na naman ako ng karamihan sa mga kapwa estudyanteng nadadaanan ko. Naubusan na ako ng choices dahil wala na akong dalang extrang masusuot, at 'yong nasuot ko kanina ay pinamunas ko na sa sarili para 'di makapag-iwan ng kalat sa paglalakad ko. And take note, ako pa talaga ang naglinis sa kalat na naiwan doon sa restroom kasi wala naman akong maituturong may pakana!

"Bwesit, Class A to E, wala akong kakampi ni isa sa kanila kahit mga sariling kaklase ko pa," naiinis kong bulong sa sarili at dinilaan nalang ang dumaloy na likido sa gilid ng labi ko. Lasang strawberry jelly na may pagkahilaw ng isda.

Nasa tapat na ako ng pintuan ng room ko at hindi pa rin ako maka-get over.

"Kung inaakala n'yong mapapaalis n'yo ko sa paaralang 'to'y nagkakamali kayo ng kinalaban!"

Inis kong hinawakan ang door knob, wala akong pakialam sa mga kapwa ko babaeng nakatingin sa akin dito sa pasilyo ng dorm.

"Not yet, hindi ko pa nasisimulan ang mga plano ko." I kept that to myself.

I deserve to be here. I deserve to be a student of this school kahit pa marami ang galit sa akin ngayon.

Ngunit bakit nga ba talaga sila galit sa akin?

Well, ako lang naman si Charlotte Red Luna, the one who made history for being the first 'lesser-than-a-plain-Jane' to enter this academy where only those who have both pretty faces and big brains are qualified.

CLASS WITH A MISFIT: Along with the BeautiesWhere stories live. Discover now