Session 06

490 13 1
                                    

-BACKFIRED: END CLASS WITH A MISFIT-

CHARRE

Alas kuwatro na ng hapon, ngunit pagdating ko sa pupuntahang parke ay wala pa ang kikitain ko.

"Baka mali-late lang nang kaunti?" nasabi ko nalang sa isip.

Malawak ang parke at may modernong desinyo gaya ng mga typical na parke sa mga siyudad o 'di kaya'y munisipyo.

"Mag-iinat nalang muna ako habang wala pa siya dito," sabi ko sabay lagay ng bag sa isang bench, bago ko sinimulan ang pag-inat.

Kakaunti lang ang taong naririto, at kagaya ko'y mga nag-i-ehersisyo rin. Pero pansin ko ang karamihan sa kanila ang muli na namang nandiri nang makita ako.

Whatever.

Pumwesto ako ilang hakbang lang mula sa bench at una kong ininat ang ulo't leeg ko. Sinunod ko ang balikat at upper limbs. Then sa bewang, na may follow up na body-folding.

Natigilan ako sa pag-abot ng paa ko nang makita sa gitna ng nakabuka kong hita ang ilang estudyante na suspicious kung kumilos palapit sa bag ko kaya ay,

"HOY!" sinigawan ko na sila at sinugod.

Pupunteryahin ba naman ang bag ko? Mabuti nalang at hindi nila ito nadukot. Aanhin ba nila 'to?

"Tsk." nasabi ko nalang at akmang babalik na ulit ako sa pag-iinat nang pagharap ko'y may nakabisiklitang estudyante ang dumaan sa tapat ko at binuhusan ako ng kung anong maiinom sa mukha.

Hindi ko na nakita ang mukha dahil na diretsong nagkalat sa buong mukha ko ang binuhos na maiinom.

I froze there, like the cold drink with crushed ice. Sa amoy at lasa palang nito'y natitiyak kong mocha shake ito na binili lang doon sa unahan.

Bumuntong hininga ako at nagtiim-bagang bago muling kumilos at pinahid ang palad sa mukhang nagka-ice therapy nang wala sa oras.

"Mga anak ng kagang!" napasigaw na ako sa panggigilaiti. Kagang is a term for talangka, by the way.

Nagpasya na akong pumunta sa pinakamalapit na mall para magbihis.

Pinagtatawanan at nakikita ko mang pinipicturan ako ng iba ay wala na akong pakialam.

Nakikita ko pa talaga ang ilan sa mga kaklase ko. Hanggang ngayon ay hindi ko pa alam ang mga pangalan nila, -maliban nalang kina Frije, Celo, at Kevent- pero nakikita ko na ang mga mukha nila noong unang araw namin sa classroom.

Pagpasok ko pa lang sa restroom ay natatawang mga mukha na at kung ano-anong kutya pa ang sumalubong sa akin. Mga kapuwa babae na namimintas ng kapuwa babae. Not to mention naglabas pa talaga sila ng kanilang cellphone para videohan ako.

"Women empowerment my foot," nawika ko bago pumasok sa isang bakanteng cubicle. Naalala ko lang kasi ang isang post dati sa facebook about women empowerment, then at the end of the day, lumabas yung daulity no'ng nag-post! Hypocrisy at its finest, 'ika nga.

Mula sa loob ay narinig ko ang pilyong paghagikhik ng mga babaeng nakasalubong ko kanina bago nagmadaling lumabas.

"Mga walang magawa sa buhay!"

Pagkalabas ko ay napansin ko ngang wala na sila. Nakakabingi pa sana ang katahimikan dito sa loob kung hindi lang sa maingay na ventilating fan.

Pinihit ko na ang knob ng pinto para lumabas na. Ngunit, hindi pa nga ako nakadalawang hakbang ay bumuhos na sa akin ang dami ng malapot na likidong may nakakasulasok na amoy. Yuck!

Napanganga ako habang dampi-dampi na ng lamig nito ang balat ko, at sa sumunod pa'y may matigas na bagay pang tumama sa ulo ko at gumulong sa sahig nang maglanding - isang timba. Nagtiim-bagang na ako bago pinunasan ang malapot na likidong nimaskara ang mukha ko. Hindi ako makapaniwala.

CLASS WITH A MISFIT: Along with the BeautiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon