Session 21

370 12 0
                                    

-SPECULATIONS-

CHARRE

"Who would've thought your level of slyness would reach this far, Charlotte Red Luna?"

Iyon ang huling sinabi ni Arcelo nitong nakaraan sa school terminal. And after that, basta-basta nalang siyang umalis umalis nang hindi man lang sinagot ang tanong ko kung lalahok ba siya sa gagawin ng klase namin. But somehow, it clears up my thoughts without asking him if siya nga ba ang taong nakilala ko noon.

'I must say siya nga iyon.'

'But what happened to him? Bakit ang laki ng ipinagbago niya?'

"Fine! Kung ayaw niya, eh 'di 'wag. Sino ba siya sa inaakala niya? Tsk. I wouldn't want to waste my time in helping a person like him. No doubt wala siyang kaibigan sa klase." Inis na umalis si Kevent na kausap ko sa mesa. Hindi ko namang sinabing ayaw, ang sinabi ko lang ay iniwan ako ni Celo nang hindi sinasagot kung lalahok ba siya sa plano o hindi.

Right, I told him about what happened. May nakuha na nga pala talaga siyang test papers mula sa mga seniors ng Class E. Walang grades or scores ang mga ito kahit may mga sagot as expected from the school system, pero hindi na iyon mahalaga. For sure Kevent did not aim for the assurance of the correctness of the seniors' answers, but he was aiming for the test questions that we would all look answers for.

Sa huli, huminga nalang ako nang malalim.

"Indeed, this school is unpredictable, and we don't even fully know how the system works."

Napatingin nalang ako sa purchase bag sa ibabaw ng table. This is Ezhka's, ang mga naiwang pinamili niya nitong nakaraan and I decided to give it to her today. And about her, I've been sending her messages but she's still not giving me responses. Actually, siya dapat ang kikitain ko ngayon dito sa usual meeting place namin but it just happened I ran into Kevent today.

"Hays, okay lang siya?" naitanong ko na ere pertaining to her.

Baka naman mino-monitor siya ng salbahe nilang lider kaya hindi na niya ako mini-meet. 'Like she said, she was avoiding me to protect me from someone.'

Dether. Itong lalakeng ito lang ang tanging pumasok sa isip ko.

"Mukhang hindi ko nga talaga siya makikita ngayong araw." Tumayo nalang ako at sa huli ay nagpasyang umalis na.

'But seriously, she's using a lot of make-up and concealer like these?' 


KLASE na naman. Ngayon ay nakatuon lang ang atensyon naming lahat kay Ms. Mari na nagtuturo sa amin ngayon. Saglit akong napamata kay Kevent na taimtim na nakikinig sa guro namin. Si Frije naman ay abala sa pagsosolve ng isang equation na tantiya ko'y kapareho sa itinuturo ni Ms. Mari. Si Celo naman, like usual, nakapalumbaba pa rin pero sa guro namin ang tingin. 

'Gumaling na ang sugat niya sa palad,' naisip ko. Napansin ko kasi ang kamay niyang may naglalaho nang peklat, ito 'yong sugat na tinamo niya sa pag-atake ni Sia nitong nakaraan.

Pangatlong linggo pa namin ngayon ng klase, pero ang mga lessons ay pahirap na nang pahirap. Dagdag pa, hindi uso ang 'spoon feeding' kaya kinakailangan naming humanap ng mga kasagutan sa mga mismong tanong na nabubuo sa aming isipan.

Pagkatapos ng quiz ay nakita kong kaagad na lumabas si Kevent. Napansin ko pa ang pagsalubong ng kaniyang mga mata nang nagkataong nahagip nito si Celo.

'It seems like he's still upset after getting ditched, or is it?' Maari rin naman kasing it's the other way around, ewan.

Ako naman ay sumama na kay Frije, at si Celo ay nagpaiwan lang mag-isa sa room.

CLASS WITH A MISFIT: Along with the BeautiesWhere stories live. Discover now