Session 23

402 16 0
                                    

-PLAYING WITH FIRE-

CHARRE

Sa pagsu-surf ko sa MetroNet ay natigilan ako nang mag-pop sa screen ang isang notification. A message from Kevent.

Binuksan ko na ito, and it says, "Nakuha ko na, lahat."

He's pertaining to Ms. Mari's mail, I think? Sa kaniya kasi namin napagpasyahang ipa-send ang details ng ng daily quizzes in the past three weeks, as the class leader.

Bumangon na ako at nagbihis. It's Friday night yet Kevent wanted the three of us who are involved in the transaction to meet up.

Paglabas ko, masama pa rin ang tingin sa akin ng iilan, but somehow, there's a better fact that kakaunti nalang sila. Marahil nasanay na ang iba at natanggap na ang katotohanang estudyante talaga ako ng paaralang 'to.

At kung bakit walang resulta ang beautimetric test at overall rating ko?

Well, 'Who knows?'

Sa Class E building ang punta ko. And there, sa labas nadatnan ko si Arcelo na tahimik na nakasandal sa pader habang napamulsa. He looked at me.

"So, you're already here," nawika ko.

He only gave me a hum as a response.

"Si Kevent?" I asked.

"Paparating pa," kalmado naman niyang sabi. Umupo ako sa sulok ng kahon ng flower bed na gawa sa semento.

Then here we go again, binalot na naman ng nakakailang na katahimikan ang buong paligid.

'Hays... when will the two of us stop going in circles?'

"Do you feel awkward?" Napapitlag ako sa tanong na 'yon. That was from him and it was too out of the blue.

"H-ha?" I asked, not because I did not hear it but because I wasn't sure

"I'm asking if you feel awkward when I'm around," inulit pa niya.

Nagbaba ako ng tingin, "Hindi naman."

"Unless there's only the two of us," dugtong ko. Wala namang nagbago sa kalmado niyang ekspresyon.

"Arcelo... matagal ko na sanang gustong itanong 'to," sabi ko pa. Nakatingin na kami sa isa't isa. "What happened to you?"

Kalmado at tahimik pa rin siya despite being asked by such personal question. Ako naman, kahit papaano'y nakaramdam ng pagkatanggal ng tinik sa lalamunan. "I mean, why did you leave... our school during the middle term of first year in our junior high school?"

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya at nag-alis ng tingin sa akin upang tumingala sa malayo.

Nagsalita pa ako. Hindi ko man nais pinapakita pero nangingibabaw pa rin ang kakaibang kurot sa kalooban ko na nagpatingin sa akin sa baba, sa kawalan. "You left without a trace, despite being the face genius of our school. Despite being the to-"

"Stop."

"You changed so suddenly."

"I said stop." Doon na ako tumahimik. Nagtaas na siya ng tono.

Umayos siya ng tayo at hinarap ako, "People change, Charlotte."

'Nanlalamig ang kaniyang boses.'

He was looking at me directly.

'At hindi ko na makita sa kaniyang mata, ang dati niyang sigla.'

"I'm not that 'face genius' everyone in our school used to call me before anymore. So, please..."

"Fine," I spoke up. "Let's just coexist like what this school wants us to do."

CLASS WITH A MISFIT: Along with the BeautiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon