Session 01

526 14 0
                                    

-READING BEAUTIES-

CHARRE

"Yes!" Napa-tumbling ako sa loob ng kwarto nang sa wakas ay natanggap ko na rin ang resulta ng ginawang IQ qualification.

Kaagad ko na itong pr-in-int at mabilis na nagbihis bago lumabas ng kuwarto.

"O, anak, sa'n ang iyong punta at ika'y tila nagmamadali?"

"Anak, kumain ka muna ng umagahan, eksaktong kakatapos ko lang maghanda." Sina tatay at nanay nang nadaanan ko sila sa kusina.

"Good morning po sa inyo, nay, tay. Sa PAMA test center po," magalang kong sagot sa kanila na may kasamang pagbati, sabay hablot ng namataang tinapay.

Nagtaka naman si nanay at nagtanong ulit, "Eh, aba'y ano naman ang gagawin mo roon?"

Muli akong bumaling sa kanila nang nakaabot na ako sa pintuan, "Nay, Tay."

"Nakapasa ako sa IQ qualification at isang qualification nalang ang kailangang ipasa ko. At ngayong araw 'yon." Then I winked bago ko sila tuluyang iniwang nakanganga.

Nakangiti kong kinuha ang bisiklita ko at kaagad na sumakay dito, pero sinigurado ko munang nakahanda na ang lahat para sa test ngayong araw.

"Hala, stupida, hindi pa ako nakapag-toothbrush!" napagtanto ko habang nakanguya pa rin, pero kumalma na ako ulit at nilunok na ang huling kagat na ginawa ko sabay pahid ng mga ngipin ko sa tela ng suot na jacket.

"IQ results and other papers in, final qualification nalang." Ngumiti ako na puno ng determinasyon bago inilabas sa lawn ang bisiklita. Ngunit gano'n na lamang ang pagka-alarma ko nang muntikan na akong makasagasa ng tumatakbong tao sa sidewalk, buti nalang hindi ako kaagad nakapag-pedal.

Inis kong tinignan ang taong 'yon, naka-hoodie na may print ng Oggy and the Cockroaches sa likod. Dumiretso lang siya sa pagtatakbo na tila ba may hinahabol.

"Hoy, mag-ingat ka naman!" inis kong paninigaw sa kaniya pero hindi niya man lang ako nilingon, bago ako nagsimula na rin sa pag-alis.

Masigla ang umaga ngayong araw sa buong siyudad. Malinis man ang mga kalye't may nakakatuwang mga napapadaang ibon man sa langit ay hindi pa rin mawawala sa tenga ang nakakaurat na ingay ng mga sasakyang tila nagsusumigaw na sa inis nang dahil sa traffic.

'If not by the traffic and ill-mannered uneducated peps, this society could have been perfect.' Iyan ang mga sabi-sabi ng mga tinitingalang tao na may mga desenteng buhay, trabaho, at over-qualified academic records. Well, about the former, the society labels them, with that 'M' word.

"Nakakabad-trip naman o!" Maski ako ay nainis na rin dahil naghahabol pa naman ako ng oras. Mahirap na't hindi na ako makaabot sa pinakahuling qualification ng paaralang matagal ko nang gustong pasukin ngayong magse-senior high school na ako!

Nakakalahati pa lang naman ako sa lakad ko pero naabutan pa ako ng traffic! Isa sa mga problema dito sa siyudad na hindi maalis-alis. Ang masaklap, wala pa akong makitang maaring mapaglulusutan kung sakali.

Inis na akong napabuga ng hangin at eksaktong may bus pumantay na sa akin. Kaagad na naagaw ang atensyon ko doon sa pamilyar na print ng isang hoodie na suot ng isang taong nakatalikod habang nakatayo sa loob ng bus.

"Tsk. 'Yong asungot na 'yon," I said in annoyance, pertaining to that person I encountered earlier. Aba'y kahit nasa loob na ng bus ay nakatakip pa rin ang hood niya sa kanyang ulo.

Sisigawan ko pa sana dahil nakabukas lang naman 'yong mga bintana ng bus pero umusad na finally ang traffic kaya nevermind nalang.

Sa wakas ay nakarating na rin ako sa kinaroroonan ng paaralang gusto kong pasukin, mga higit bente minutos din ang lumipas.

CLASS WITH A MISFIT: Along with the BeautiesKde žijí příběhy. Začni objevovat