Session 09

470 15 0
                                    

-HIERARCHICAL OBSESSION-

CHARRE

Malawak ang silid, may U-shaped long-table rito, at magkaharap na umupo kaming mga estudyante. Sa gitnang bahagi ng U-table ay si Kevent, our class leader.

"Makinig kayo sa akin," he started nang natiyak nang nasa loob na ng silid ang buong section.

Nasa kaniya ang atensyon namin, seryosong-seryoso ang kaniyang mukha at nakikita ko ang napakataas na uri ng determinasyon. Ang mga kaklase ko naman ay may bahid pa rin ng pagkabahala sa kanilang mga mukha matapos ang nangyari nitong mga araw.

"He's all hyped up," pabulong na sabi sa akin ni Frije bilang pahayag sa nakikita kay Kevent.

Right.

"It may be late to conduct our first class session, but allow me to introduce myself first." Buong tinig na simula ni Kevent. "I'm Kevent Shane Glorioso, your class leader."

Nagbulong-bulungan ang ilan sa mga estudyante, saying, "So, siya pala 'yong pinili ng system, which means siya nga ang may pinakamataas na qualification rate sa atin. Sa pagkakarinig ko, usually ang mga miyembro ng the Elite Five ay may close to 100% and not lesser than 99% qualifying rate."

"Hindi basta-basta ang kaklase nating 'to."

"Indeed, an overachiever like him has a lot to offer." Nakikita ko ang paglunok ng mga kaklase kong nagsabi ng mga 'yon. Pressured as they seem to me.

"Yes, that's right," pagkumpirma naman niya nang marinig. Like the usual, magkasalubong ang kaniyang mga kilay.

Bigla ay may nagtaas ng kamay, and Kevent acknowledged it.

"Before we start this session, can we just please introduce ourselves first? It's already been a week since we first meet, most of us here still do not know each other. Okay ba 'yon?" the girl who raised her hand asked.

"Yes, okay nga 'yon!" another girl seconded, then the rest followed.

Strange, isn't it? First day of classes nitong nakaraan yet the teachers did not even initiate to let the class know each other.

Marahil parang walang pakialam ang paaralang ito na kilalanin ang pangalan ng bawat isa, because in the first place, what the student could offer is what makes the credit.

'Well, I think it's what Ms. Mari pertains as, 'coexistence'.'

'Kailangang kami mismo ang gagawa ng paraan to know each other better - to make our class work.'

Lihim akong napangiti sa kaloob-looban, at napalaro sa buhok.

"My name's Anna Lennel Leopoldo, Anna nalang," simula ng kaklase kong nag-suggest.

"Ako naman si Jome Labostro,"

"My name's Lyophne Moreno,"

"Haniel Olazo,"

"I'm Zebdyle Faulkner," pagpapakilala ng iilan hanggang sa sunod-sunod na, at sa bawat pagpapakilala ay pagtayo ng nagsasalita, at sa bawat pagtatapos ay ang paglalaro sa ere ng masasayang palakpak.

Napatingin ako kay Celo nang tumayo na siya. It's his turn na pala at ako na ang susunod.

"A-Arcelo," he started, nauutal..

"A-Arcelo Camahalan..." Hindi pa niya magawang tumingin sa mga kaklase ko na tila ba nahihiya.

"Arcelo Camahalan ang pangalan ko." Then he sat down. Binalot tuloy ng awkward applause ang buong silid. Marahil the rest of the class is still mad at him matapos ang nangyaring pag-call out ng student council sa amin.

CLASS WITH A MISFIT: Along with the BeautiesWhere stories live. Discover now