Session 15

425 14 1
                                    

-PLAYING CIRCLES-

CHARRE

Katahimikan.

Matalim na titig.

Seryosong komprontasyon.

Magkaharap kami ni Sia sa isa't isa.

Kaming dalawa lang ngayon dito sa likod ng kanilang gusali. Sa gilid namin ay mga nakalinyang tiger plant on an elevated cemented plant bed.

Walang tao sa paligid kaya natitiyak kong masinsinan naming magawa ang pag-uusap.

"It was you, hindi ba?" diniretsa ko na.

"Ang alin?" she asked seriously. At this rate, lalo na't walang tao bukod sa amin, she's freely showing her real face, the face of an evil witch.

"Ikaw ang concerned student na nagreport sa issue hindi ba?" dagdag ko pa.

Tinawanan niya ako nang mapakla sa sumunod na sandali.

"Paano mo naman nasabi? Alam mo bang pwede rin kitang i-report sa ginagawang pambibintang mo?"

"Go on, panindigan mo pagiging sumbongera mo." Napainis siya ng tingin sa akin sa ganti kong 'yon.

"And about that issue, alam mo mismo kung sino ang tunay na may sala," sabi ko pa na nagpatiim sa kaniyang bagang at napatalim pa ng tingin sa akin.

Natigalgal siya.

"So, what are you trying to say, huh?" mapanuri niyang tanong.

Nagkakatagpo ang paningin namin at sa pagitan nito ay isang nakakaalarmang tensyon.

"It was you," malamig kong pandidiin sa kaniya. Lalong dumilim nag ekspresyong nakaguhit sa mukha niya. "Kaya 'wag ka nang magpanggap pang concerned student when in fact you took advantage of the 'hate card' that the students of my class and everone created.

Suddenly, "Ha, haha... hahaha... HAHAHAHA!" 'This btch.'

Patuloy pa siya sa kakahalakhak at napapahawak pa sa tiyan na tila ba sumasakit na ito. Nakalabas pa ang kaniyang dila at malaki ang bungangang nakabukas. Para siyang isang babaitang may sayad sa utak, at nakakarindi ang matulis niyang boses na naglalaro sa ere.

"Hindi ka lang pala pangit, bobo ka pa. At bakit ako ang naisip mong idiin ha?"

Masama ko lang siyang tinignan.

"Fine, you want me to prove my point?" I started, napalaro na ako ng buhok. Natigilan siya sa kakatawa lalo na't nakikita niya ang matalim kong mga mata.

"Before last week's Sunday, you messaged me to meet you up without telling the location. And after a while, another student -a friend whom I shall not name chatted me to have a meet-up too at the Park Log. So, I did prepare and decided to meet my friend who gave a location first dahil 'yon ang mas feasible. But before I could get out of the dorm to go to Park Log, she chatted me that she had an emergency, thus, canceling our meet up, giving me an opening to meet you up instead, especially that you finally gave me a location, to be exact, the PAMA Main Park. I waited for you there yet you ditched me and I end up getting pranked by some students. And you already knew that, you already foresaw that I'll eventually get pranked whenever I expose myself in public dahil iyon ang trend sa paaralang ito simula noong dumating ako." I paused, nanatili siyang nakatitig sa akin at nakinig.

"You already expect too that I'll be bringing extra clothings dahil ang napag-usapan natin ay mag-exercise, kaya sinigurado mong sa pinakamalapit na restroom magset up dahil inaasahan mo nang doon ako magpapalit. Calculating the distance between the PAMA Main Park and from the nearby restrooms, and Metro Mall ang pinakamalapit. You already put everything in calculations ahead of time." Napansin ko ang pagkuyom ng kaniyang kamao.

"Given you belong to the upper classes, may kaya kang bumili ng mga mamahaling gamit like nano camera and laptop nang hindi nababahala for the next semester's allowance." I slightly tilted my head at chin up na hinarap siya habang naglalaro pa rin sa buhok. "To think you didn't even bother replying my messages, was already a red flag that you think I couldn't see ahead of time."

"HA!" Natawa siya nang mapakla, "Para 'yon lang, iniisip mo kaagad na ako ang salarin? Baka naman kasi, Charlotte, nagdamdam ka, kasi nakalimutan kang i-notice ng isang upper class student at student leader na kagaya ko. No worries, we could still make up."

"HA!" Ako naman ang gumanti sa kaniya ng mapaklang tawa. "At ang kapal naman ng mukha mong i-meet up ang isang, Charlotte Red Luna nang napaka-kaswal lang?"

Wala lang, inaasar ko lang, at ayon naasar din.

"Fck it." Ayon, minura na tuloy ako. "Wala pa ring sense ang mga mentioned points mo, well, then, how can you prove me guilty, huh?"

I smirked, napalaro ang daliri sa buhok. "Strawberries..."

Dito ko na siya nakita ng hintatakot sa mukha.

"As I can clearly recall, you knew I don't like strawberries during our first meeting. Given my facial condition, inisip mo kaagad na iyon ang reason kung bakit ayoko ng strawberries. Inisip mong mas lalala ang mukha ko kapag naka-contact ako kahit isang strawberry, which is partly right. Kaya iyon ang inilagay mo sa pungent liquid na pinambuhos sa'kin." Sinadya ko ang lapitan pa siya. "Kahit sabihin mo pang coincidence 'yon, malakas naman ang kutob kong hindi. After all, those other students who pick up on me are only focal on my face and not my weaknesses, nor my character and dislikes."

Dito'y narinig ko ang paglunok niya at lalong pagsama ng tingin sa akin.

"And with this closeness that you initiated before in the elevator, I get to sense a familiar scent of strawberry in you. At iyon ang pinakamalaking pagkakamali mo sa panliliit sa mga taong kagaya ko, you little strawberry btch. Because I'm a person with sharp olfactory memory." I smirked mockingly kaya inis niya akong naitulak. Hindi naman talaga iyon totoo, na hindi, na totoo na hindi, ah basta, gusto ko lang siyang makitaan ng takot, and that's that!

"Like you said, you hated me... and that's why." Nakakatuwa siyang tignan sa nanggigilaiti niyang mukha. Nangngitngit pa ang kaniyang mga ngipin at nanlilisik ang mga mata.

"Ano? Huling-huli ka na nga, nananahimik ka pa. Don't worry, kahit aminin mo ditong ikaw nga ang may pakana ng gulong nabibintang sa kaklase kong si Celo na isang inosenteng tao, at sa Class E na kinabibilangan ko, I'll still make you pay," I said sabay taas ng bakante kong kamay na 'di naglalaro sa buhok.

Natilihan naman siyang halata, "What?!"

Kaagad na tumingin siya sa manggas ng kaniyang palda, and there she saw an evidence against her that I just planted to her myself.

"I'm just returning the favor of your fish-jelly-blood. Alam ko naman kasing iniisip mong nagre-record ako kaya maingat ka pa rin sa binibitawang salita. Too bad, that's a tactic from people of the old civilization, kaya ako na mismo ang gumawa ng paraan."

Right, it's a fish-jelly-blood that I rubbed on her skirt the moment I came close to her just a while ago.

Well, whether she's recording too or not, I know at the end of this confrontation, we'll get even.

Paatras na akong naglakad paalis.

"Hindi mo pa rin man aminin, but there's a polite fact that you should know..." Then gave the most mocking sneer I could offer to a btch like her. "Nautakan ka ng isang estudyanteng nasa mababang class na winawarak mo."

'At least, nagamit ko ang term na 'warak' na hiniram ko pa sa TV.'

'Guess, that should at least crush her elitist ego, huh.'

"The fish-jelly-blood swiftly runs dry, Sia, leaving your skirt a stain that looks like a week-old, and we'll be starting the case deliberation in the next thirty minutes, kaya... good luck." Finally, I turned to walk away.

"Why you little..." As expected, I know she'll do something, but who would've imagined it would be worse than I thought.

Upon raising my phone, nakikita ko sa itim na repleksyon nito ang pagsugod niya sa akin at may kung anong matulis na bagay ang hawak sa kamay.

Pagharap ko sa kaniya, doon ko na nalamang may binali pala siyang matigas at makapal na dahon ng tiger plant na kayang-kayang bumaon o sumugat sa kung sinumang masaksak. At sa pagkakataong ito'y handa na itong bumaon sa mga mata ko.

DUGO...

CLASS WITH A MISFIT: Along with the BeautiesWhere stories live. Discover now