Session 20

405 15 0
                                    

-CLASS E'S SLY FOX-

CHARRE

"Charre!" Bigla ay nanlaki ang mga mata niya na tila ba may nakita sa likod ko, at napagtanto ko nalang sa sumunod na sandali sumubsob na pala ako sa lupa matapos itulak ni Ezhka.

"Talaga lang at tinatraydor mo akong babae ka ha." Napasinghap ako nang marinig ang boses na 'yon mula sa likuran ko.

'Hindi kaya-?' Paglingon ko sa likod, nakumpirma ko na nga ang hinala, kasabay ng panlalaki ng mga mata ko nang sumalubong sa paningin ko ang sinapit ni Ezhka sa kamay ng isang matipunong lalakeng nakangisi ngunit nanlilisik ang mga matang nakatingin sa akin.

'Class D's leader, Dether Jannick Raj. The tyrant heir who rules his subjects with violence.'

My shoulders are starting to shake, dulot ng boses kong nakukulong pa rin sa loob ng aking lalamunan at sumisikip na dibdib, at ang tanging nagagawa ko lang ay ang mapaawang ng bibig.

"H-Hindi... Ezhka..." pagkalauna'y nautal ako sa nakikita. Si Ezhka, nakalutang ang mga paa sa ere habang hawak ni Dether sa leeg. Nakikita ko pa ng pamimilipit niya sa hirap habang walang awang pinaparusahan ng lider ng kanilang klase.

'Sinasabi ko na nga bang si Dether nga ang may kagagawan ng pagpapahirap sa kaibigan ko!' Napatalim na ako ng tingin, mas masama sa mga dating ginagawa kong titig, at sa sumunod na sandali ay may kung ano sa kalooban ko ang nabuhay at unti-unting bumalot sa buo kong pagkatao: galit.

"Mukhang hindi pa nga talaga nasabi sa'yo ni Ezhka that the 'D' in 'Class D' is 'darkness'."

"You jerk!"

Bumangon na nga ako't inatake siya. Napaungol naman si Ezhka sa sakit nang pahampas siyang itinapon si Dether sa bus kasabay ng pagkalat ng laman ng purchase bag na bumagsak na rin: mga makeup at makeup kit. Nakita ko pang nauubong humawak sa napuruhang leeg ang kabigan ko. Ako na naman ang pinunterya ng bayolenteng lider. Nakakatakot mang tignan ang kaniyang itsura ay buong tapang ko pa rin siyang hinarap alang-alang sa ginawa niya sa kaibigan ko.

Pero...

"Idiot," he remarked. Akalin mo nga naman, sa liit ko at sa tangkad niya ay isang naka-extend na kamay lang niya ang ginamit upang pigilan ako sa mukha. Para tuloy akong isang nangangaway na batang paslit na walang ibang magawa kun'di ang pagtakbo ala thread mill.

Hindi man lang siya maabot ng mga kamay ko upang kamutin! Buhay nga naman!

"Dether!" Natigilan si Dether at tumingin sa kaniyang paanan. Bigla nalang kasing yumakap si Ezhka rito at nagmakaawa.

Umiiyak na siya.

"'Wag mo nang idamay pa si Charre dito, please, 'wag mong saktan ang kaibigan ko!"

Napasinghap pa ako nang makitang malakas na sinipa ni Dether si Ezhka dahilan upang tumilapon ang kaniyang babaeng katawan pahampas na nagdulot ng agarang pagkawala ng malay.

"EZHKA!" Tuluyan na nga talaga akong nagalit. Kaya nagpasya na ako, 'Sisikapin kong talaga ngayong may mabibiyak na bayag!'

"Walang hiya ka, De-" Naputol ang pagbulyaw ko nang sa sumunod na sandali ay nahampas na ang likod ko sa bus, and found myself imprisoned between his arms that are already pinning me.

Napakasama ko siyang tinignan, mas masama pa sa tingin ng isang nanggigilaiting pusa at kulang nalang ay bulwakan ko siya ng apoy. Wala na akong pakialam kung nakatingala ako sa tangkad niya. Dama na nga namin ang hininga ng isa't isa sa lapit ng mga mukha namin.

Ni hindi ko man lang siya nakitaan ng pawis sa mukha after he handled two girls that are against him, except for his healthy chests that make me think he's an army or an olympiad.

CLASS WITH A MISFIT: Along with the BeautiesWhere stories live. Discover now