Session 11

455 14 0
                                    

-CHASING CLUES-

CHARRE

"The Elite Five." Inilatag ni Ezhka ang limang larawan sa mesa. Three of them were familiar to me, sina Kevent, Sia at...

'Sabi ko na nga ba.' Isip-isip ko. ...si Yoonho.

"I think you already knew these three," sabi pa niya pertaining to the names I just mentioned.

"Si Yoonho Santos, Class A's leader. Isang student model at international genius ng La Salle High School. The only one who perfected the beautimetric test," she stated. Bumalik sa isip ko ang araw ng final evaluation kung kailan siya ang pinakaunang sinalang sa beautimetric capsule.

"Sia Mortales, Class B's leader. The one you just talked with earlier. Isang brand ambassadress at isa sa mga miyembro ng Seat Ten ng Amarillo Hills High School."

"Seat Ten?" napatanong na ako sa kaniya.

"Yes, ang tawag sa sampung estudyanteng nakakuha ng platinum medals mula sa isang American Society of Intelligence na partner ng school nila." Lalong sumeryoso ang mukha ni Ezhka. "Behind her approachable and cheerful face, her deepest sense of competence lies concealed. Hindi basta-basta ang babaeng 'to."

I know, at nakita ko ang totoo niyang mukha kanina sa elevator.

Sa isang larawan ng isa na namang estudyanteng babae ang pinagtuunan namin ng pansin.

The girl in the picture looked more matured to be in our age, and to me, she has the face of a Latin-Asian supermodel.

"Cleopadeth Aia Yamazaki, Class C's leader, isang fashion diva na laki sa pamilyang napurga sa pagiging perpekto. The face of Saint Mary's Academy - Japan na ginawang baliw ang karamihan sa mga lalake sa isang halik lang, kahit ang isang tanyag na leader ng mga yakuza who took off his life when she refused to date him."

"Kayang-kaya niyang pasunurin ang kahit sinong lalake." Napakuyom na ako ng kamao at nakaramdam ng pressure, 'This girl's power is insane.'

"Dether Jannick Raj," she said, moving on to the next class leader. "Class D's leader."

Ang leader ng klaseng kinabibilangan niya.

"The heir who rules in tyranny and betrayal." Napansin ko ang paglungkot ng kaniyang mukha.

"Ezhka..." I held her hands to at least appease comfort.

"A cruel leader who thinks nothing else but his own deeds. He makes you follow him through violence." Sa pagkakataong ito'y napansin ko ang kulay-pasa sa gilid ng kaniyang leeg na tinabunan ng nakatirintas niyang buhok.

Pero hindi ko na iyon ininda pa.

Muli ay binalik namin ang aming atensyon sa mga larawan. May natitira pang isa.

"Kevent Shane Glorioso, kilala mo na siya. The white-haired overachiever who bleeds and reddens eye color when touched by madness. Sa lahat ng mga class leaders na 'to, siya ang natitiyak kong kakampi mo."

Muli ay nagsalita siya, "I may not know much about how the school system works, and about the unpredicatability of the assessment criteria, but isa lang ang natitiyak ko."

I think I know what she's about to tell.

"That is, in this school, hindi mahalaga kung paano ka makipaglaro, dahil mas mahalaga kung paano ka manalo." That was meaningful.

Sa pagkakataong ito'y hinawakan na niya ang kamay ko.

"Charre, like I said, mainit ka sa mga mata ng karamihan. But unlike them, I do not see you as a misfit who don't deserve to be here, but kaya mo bang panindigan ang desisyong pagtanggap sa'yo ng school?" she asked.

CLASS WITH A MISFIT: Along with the BeautiesWhere stories live. Discover now