Session 04

482 13 0
                                    

-MISFIT WITH THE PERFECTS-

CHARRE

"Celo," wala sa sarili kong banggit sa kaniyang pangalan.

Sa mga sandaling iyon, ay natitiyak kong bumibilis na sa pagtibok ang puso ko.

Small and slender facial features, V-shaped jaw, slim nose, double-eyelids, clear, smooth and pale skin, obsidian iris, hooded eyes, straight eyebrows, thin lips that are red as blood, at charcoal hair na abot kilay ang nakahating bangs.

'That face genius with natural features, but he looks more perfect now, manlier, and enticing.'

Napakuyom ako, at ramdam ko na ang malamig na pamamawis ko. 'But how come he landed on Class E when in fact he should be on...'

I stopped. I remember to maintain my composure. Hindi niya dapat mahalatang kinakabahan ako.

'Imposibleng... ang napakaguwapong nilalang na kaharap ko ngayon, ang mala-prinsipeng anime character na nakatitigan ko ngayon, ay si Celo nga na dating kilala ko.'

'Is he really that guy I knew from a long time ago?' isip-isip ko habang nakatingin sa nakakaantok niyang mga mata. Naisip ko bigla dahil bukod sa laki ng pinagbago niya sa itsura, ay hindi ko na rin nakikita ang dating cordiality na bumabalot sa aura niya, dahil ngayon... nararamdaman ko nang punong-puno siya ng misteryo.

Napalunok na ako, at sana'y hindi niya iyon napansin.

'Hindi pwede...'

"Everyone, take your seats." Natauhan na ako sa sandaling narinig ko 'yon. May babaeng nasa trenta ang pumasok, guro yata at may dala pang pile ng mga booklet, ngunit nainis akong napatingin sa kanang tabi ko nang napagtantong umupo sa bakanteng upuan roon ang lalakeng may puting buhok.

Tila may matensyong kidlat na namumuo sa pagitan naming dalawa.

"Isang nakakabad-trip na pagkakataon," he said.

"I feel the same way," sagot ko naman, at sa huli sabay na napa-snob pose na nag-iwas ng tingin.

"I'm Mari Sandoval, call me Ms. Mari, the homeroom teacher for Class E," pagpapakilala ng babae sa amin, hindi nga ako nagkakamali.

Balingkinitan ang kaniyang katawan, matangkad, morena ang balat, at elegante ang magadang mukha. She looks like a recently entitled Miss Universe.

Now it came to me na kahit ang mga empleyado sa paaralang ito'y intelihente at may mga itsura rin.

"There will be no changing of classes in this school," sabi pa niya at napansin ko ang pagkuyom ng kamao ng katabi kong may puting buhok.

"I will be responsible for you for the next trimesters until you graduate." Napahawak siya sa kaniyang bewang na tila isang beauty queen kung tumindig. "First, I'll give you your handbook. We have special school rules that you need to know. I know, you're intelligent enough to comprehend what's written kaya hindi ko na i-ellaborate ang sasabihin ko."

Then from each person of each column to the back ay naipapasa ang mga hardbounded handbooks sa bawat estudyante.

'Philippine Advanced Metro-Academy,' basa ko sa mga katagang unang nakita ng mga mata ko nang nakuha ko na ang akin.

"First, you will live in dorms, and while at school, you will not have any information about the outside world. But don't worry, the school offers facilities that will provide you your needs, may it be entertainment, physiological, and the likes. Everything you need can be found here."

Muli pa siyang nagsalita, "Now open the drawer on your table."

Sumunod naman kami at dito'y sumalubong sa paningin ko ang isang metal card at isang cellphone na may logo ng school.

CLASS WITH A MISFIT: Along with the BeautiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon