Session 03

491 13 0
                                    

-THAT FACE GENIUS-

CHARRE

Pagpasok ko palang sa bus ay mga matang masasamang tingin na sa akin ang sumalubong, dagdag pa ay ang mga mahihina nilang panlilibak na akala nila'y 'di ko naririnig. Natigilan ako saglit dahil hindi ko iyon inaasahan, but later on, I raised my chin at isinawalang-bahala nalang ang mga tinging iyon.

Dalawang bakanteng upuan nalang ang naroroon, ang pinakamalapit ang pinunterya ko ngunit gano'n na lamang ang pagkalukot ng kilay ko nang napagtanto kung sino ang nakaupo sa tabi.

'That jerk.' I'm pertaining to that white-haired guy with an attitude. Nakasuot na rin siya ng kaniyang uniporme at nakahalikipkip pa sa kinauupuan.

Pareho tuloy'ng masamang nagkatagpo ang mga paningin namin at sabay na napa-snob pose sa huli.

Sa isang babaeng tahimik lang na nakadungaw sa labas ng bintana ng bus ako lumapit, the second vacant seat.

"May I?" I asked her na nagpalingon sa kaniya sa akin. Ngayon ko lang napansin ang ganda ng features ng mukha niya, lalo na sa nakatirintas niyang buhok na ala-Elsa ng Frozen ang pagkakasapin nito sa balikat niya, makintab na itim ng alang ang buhok niya na bumagay pa sa Koreana niyang mga mata.

Tango lang ang sagot niya, bago ako tumabi sa kaniya. Hindi man siya ngumingiti but at least nararamdaman kong hindi siya galit or what sa akin, 'di gaya ng karamihan sa mga students dito sa bus.

"Charlotte Red Luna nga pala, Charre for short." I offered my hand, mas okay na 'yong sa bus pa lang ay may dagdag na kaibigan na ako.

She only looked at my hand and said, "Sorry, I'm germophobic so I can't accept your hand. Rest assured, I'm accepting them in the inside."

Ni hindi man lang siya ngumiti, at kaya pala napansin ko ang slight niyang pag-usad kanina palayo nang umupo na ako. Though she might mean it doubly, I can tell naman she's pertaining to literal germs and not me whom others looked at with disgust.

"I'm Ezhka, Ezhka Marie Lozaldo," she introduced, at magiliw ko siyang nginitian sabay bawi nalang ng kamay ko.

'Class D,' nabasa ko sa nameplate ng kaniyang blazer na ngayon ko lang napansin.

Isang hinto pa ng bus ang ginawa sa 'di kalayuan, at dito'y pumasok na ang huling estudyanteng lalake sa loob.

Saglit akong natigilan, 'I remember him.'

'Siya 'yong pinakauna sa amin na na-qualify. Tama.' I thought. Kaya pala ang karamihan sa mga babae dito sa loob ay kapansin-pansin ang kilig sa mukha.

"Yoonho Santos," napatingin ako kay Ezhka na mahina iyong sinabi at may seryosong tono.

"Ang may pinakamataas na percent sa Class A, the only one who perfected the beautimetric test," dagdag pa niya.

Right, she's pertaining to this guy na matangkad, perfect na mukha, at may slender features. Bumagay pa talaga ang uniform na suot nito. May kaparehong disenyo sa amin, maliban nalang sa katotohanang necktie ang sa kanila, gray na slacks, at uri ng outer uniform dahil tuxedo ang sa kanila na mas mahaba ngunit maikli nang kaonti sa suot na vest.

Bumalik na ako sa huwisyo nang napagtantong nakatitig na pala siya sa akin, bago siya umupo sa bakanteng upuan na katabi no'ng ma-attitude na asungot!

Hindi ko alam, but at that moment, napagtanto kong mas lumilitaw ang kagwapuhan niya sa malapitan.

'Yoonho Santos, isa sa mga top tier ng batch namin.'

Ilang oras din ang aming binyahe papunta sa campus ng PAMA na nasa puso ng Manila.

CLASS WITH A MISFIT: Along with the BeautiesWhere stories live. Discover now