Session 05

488 14 0
                                    

-NOT A DAMSEL IN DISTRESS-

CHARRE

Bukas ay simula na ng regular classes namin. Nakahiga lang ako sa kama habang kinalikot ang social media account ko.

Ngayon ko lang napansin nag malaking pagkakaiba nito mula sa social media platforms na ginagamit ko dati noong nasa labas pa lang ako ng paaralan. Sa MetroNet kasi, walang follow buttons, reacts buttons, add friend buttons or anu-ano pa. Ang meron lang ay post button, message and message request button at ang button na magpapakita ng mga taong magview-view ng profile mo.

Nanlukot ang noo ko dahil ngayon ko lang napansing ang dami na palang nagme-message sa akin, at mga accounts na nag-view ng profile ko.

Napabalikwas na ako ng bangon nang pagbukas ko sa mga mensahe ay mga hate messages lahat.

I'll not elaborate basta HATE messages!

"Aba'y mga walang magawa sa buhay 'tong mga 'to ah!" napabuga na ako ng hangin, tila may kasama nang apoy dahil sa galit.

Talagang gusto nila akong umalis na sa akademyang ito. Karamihan sa kanila ay mula sa ibang klase, ngunit ang mas ikinadismaya ko ay may mga namamataan pa akong mga kaklase ko mismo.

Napatiim-bagang na ako. But then, isang message request ang umagaw sa pansin ko.

'Sia Mortales.'

"Sia?!" napabulalas na ako sa tuwa.

"Ibig sabihin ay nakapasa siya!" Kaagad kong ch-in-eck ang profile niya, at sa pagkakataon itong nalaman kong nakapasa nga siya!

'Sia Mortales, 19, 1 - Class B.'

"Ang ganda talaga ng kaibigan ko!" natuwa ako sa nakitang profile picture niya. Walang kupas talagang ganda.

"Hi Charre, it's been a while. Matagal na tayong hindi nagkita simula noong nakapasa tayong dalawa sa final qualification day. Can we meet somewhere at school? I have lotsa stories to tell." Laman ng message niya.

Kaagad na akong nag-type ng reply. "Yes, yes. Sia. Just tell the location for today's plan."

I was about to put down the phone nang may isa pang message request na nag-notify sa akin.

'Message request from Ezhka Marie Lozaldo.'

"Si Ezhka?" Kaagad ko nang binuksan ang message ng isa ko pang kaibigan and it says, "Hi, Charre. I hope you are doing well. Do you have some plans today? You might want to join me exercising."

I immediately replied, "Yes, sure. I'm on my way."

Kahit alam ko namang walang gustong makakita sa akin sa labas at malamang mga panlalait lang ang maabutan ko, wala na akong pakialam basta makalanghap lang ako ng preskong hangin, at makita ko ang kaibigan ko.

Sa pinakamalapit na parke ako pumunta, suot ang jogging outfit ko, bag na may extrang damit. Mag-i-exercise ako kasama ang kaibigan ko!

Pero kakalabas ko pa nga lang ng pasilyo ng dorm hanggang makalabas na ako ng building ay ay masasama't nandidiring tingin na kaagad ang sumalubong sa akin.

Natigilan na ako nang harangin ako ng dalawang babae, Nakahalukipkip ang isa at ang isa nama'y nakahawak ang isang kamay sa bewang na nag-aala-Miss Universe. Both of them are looking at me with a mocking sneer.

"Tignan mo nga naman, ang misfit ng Class E," sabi no'ng nakahalukipkip.

"Akalain mo 'yon, nakayanan niya talagang makapasok dito?" wika naman ng isa na may mapang-alaskang tono.

CLASS WITH A MISFIT: Along with the BeautiesOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz