Session 07

477 15 0
                                    

-BLEEDING MADNESS-

CHARRE

Sabay kami ni Frije naglakad papunta sa room namin. Kakagaling pa lang kasi namin sa restroom dahil nagpasama siya sa akin. Sa aming lahat dito, ako lang daw ang pinaka-close niya which seems contrary to how she's been interacting with everyone in class.

Now it came to me why the entire building was not that populated ay dahil tig-20 students lang pala sa bawat klase ng bawat taon, unless there was an expulsion. Saka, lahat ng mga facilities dito ay exclusively for us, Class E.

Now we're about to enter our room, pero pagpasok pa lang namin ay sumalubong na kaagad sa amin ang mga boses ng kaklase namin. Nagkagulo na pala ang karamihan sa kanila.

Saglit kaming nagkatinginan ni Frije.

Bumalik na kami sa mga upuan namin. Celo was still in his seat, nakapalumbabang nakasilip sa labas ng salaming bintana.

'He's still in calm composure despite the panic in his environment...' Kaagad akong nag-alis sa kaniya ng tingin upon sensing he's about to move his eyes to me.

Nagpalitan pa rin ng salita ang mga kaklase namin.

Sisihan doon. Sisihan dito.

Kaniya-kaniyang palabas ng inis lalo na sa mga guro at sa paaralan dahil wala naman dawng sinabi tungkol sa mga deductions of points.

Hanggang sa...

"Well, sino ba naman kasing hindi magkakaroon ng maraming deductions kung may outsider mapunta sa klaseng ito?" isa sa mga kaklase kong babae ang inis na nagsabi no'n sabay tingin sa akin, at kasunod nito ay galit na ring naglipat ng tingin sa akin ang iba sa kanila.

'Ha, now it's my fault.'

I gave them the face ng isang taong hindi nagpapaapekto. Hindi ko sila tinignan, nanatili akong nakatingin sa harap ng aking mesa, ngunit lihim na napakuyom na ng kamao.

"Alam mo, tama ka. Kasalanan talaga ito ng babaeng 'yan kaya ang liit ng points natin at last rank pa talaga!" isang lalake naman naming kaklase ang galit na nagsabi no'n.

Sa sumunod na sandali ay mas naging bayolente pa silang tignan lalo na't balot na balot na sila ng pagkadisgusto, na tila ba dahil hindi sila makapaniwala sa resultang class rankings ay sa akin nila ito sinisi.

Si Frije naman ay nag-aalala na akong tignan, bago siya tumayo na't hinarap ang ilan sa mga kaklase naming akmang susugod sa akin.

"Sandali," she faced them with a calm voice, though, I can sense the feeling of anxiousness in her presence. "Baka pwede naman natin pag-usapan 't bilang magkaklase."

"What the hell are you talking about? Obvious naman 'di ba? Dahil may naiiba sa atin dito kaya tayo huling-huli mula sa ibang klase? Sorry, Frijie ha, we like you but not this ugly girl!"

"Kaya dapat, tuluyan na talaga natin siyang patalsikin sa paaralang 'to!"

"Having a misfit in this class means auto-deduction!"

"SHUT UP, you bunch of homo erectus, will you?!" bigla ay padabog na nilapat ng katabi kong may puting buhok ang kaniyang mga kamay sa mesa.

Sa lakas no'n ay natigilan ang lahat. Kahit si Celo na kanina lang nagmumukhang walang paki-alam ay napalingon na rin sa kaniya.

Ngayon ko lang napagtantong napuno na pala ng madilim na ekspresyon ang kaniyang mukha habang nakapikit na para bang nagpipigil ng nakakatakot na galit.

"Walang kinalaman dito ang si Charre, okay?" nakapikit pa rin siya at kung titignan, nakakatakot ang paglabas ng mga ugat sa malapad niyang kamay.

Napalunok tuloy ang ilan sa mga kaklase namin.

CLASS WITH A MISFIT: Along with the BeautiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon