Session 02

498 15 0
                                    

-UNREADABLE CHARLOTTE RED-

CHARRE

Philippine Advanced Metro-Academy, the academy that sets the standards, the academy for pretty faces and big brains, the academy for perfects.

Bakit nga ba isa ito sa mga tinitingalang paaralan sa buong Pilipinas?

Well, ito lang naman ang paaralang itinayo mismo ng gobyerno, the one that has the highest funds among all other public senior high schools in the country. Libreng pumasok dito ngunit sa isang beses lang.

Once you graduated in this school, ang mga naglalakihan at prestiheyosong universities na mismo ang lalapit sa'yo mapa-international man o lokal. At isa ka pa sa mga priorities ng mga kompanya at ng gobyerno para makapagtrabaho.

But what happens when you fail to qualify or graduate from this academy?

Simple lang, you'll live your life forever as a misfit. That's the 'M' word.

Mahihirapan kang pumasok sa ibang paaralan, almost zero ang possibility of college and university acceptance, at mahihirapan kang maghanap ng trabaho kahit 'yong mga minimum wage works. PAMA has been the basis of national institutions in choosing a generation that they'll work with in the future. Dahil sa patuloy na pagmomoderno ng mundo, what society needs is what they call as 'perfects', and yes, 'yan ang tawag sa mga makakapagtapos sa paaralang ito.

The new society does not need people who are ineligible, and prone to mistakes. Ang mas kailangan nila, ay ang mga taong efficient, wise, productive, intelligent, and most importantly presentable to public, at ito ang mga uri ng henerasyong pino-produce ng Philippine Advanced Metro-Academy.

Sounds absolute, right?

But yes, that's a polite fact of how mistakes get invalidated in the new society, and how both faces and brains get the highest value and appreciation.

Kaya naman, marami na ang nawalan ng pag-asa at tapang na pumasok sa PAMA.

Nilamon sila ng paniniwalang walang lugar ang mga 'pangit' at 'inefficients' sa mundo. Kaya, sa bagong lipunan kung saan ako nabuhay, kadalasa'y mga magaganda't guwapo ang may matitinong trabaho, at ang mga labeled 'pangit' naman ay nasa trabahong may mga mabababang sweldo, lalo na ang mga labeled as 'misfit' na mas mababa pa sa pinakamababa. Kaya kahit ang iba, mapamay-itsura man o mapahindi, they chose not trying in order for them not to end up with a misfit's fate.

And in PAMA, wala ni isang labeled 'pangit' ang nakapasok, until, today... I made history.

Nakangiti ako nang muling bumukas ang capsule, ngunit kaagad akong nabahiran ng pagtataka nang sumalubong sa akin ang mga mukha ng mga estudyante sa labas. Bakas sa kanilang mukha ang pagtataka at 'di pagkapaniwala habang nakatanaw sa higanteng screen sa likurang ibabaw ko.

Hindi nila ako pinagtawanan. Pero bakit?

Kinabahan na tuloy ako at sa wakas ay nagpasya nang tumingin na sa screen

I froze.

Hindi ako makapaniwala.

"ASP-20369, Beautimetric: -%, Overall: -%, Class E."

"I... I... Qualified?"

"BOOOOOH!" bigla ay nag-boo na ang mga tao sa akin. Pero hindi ko na sila ininda dahil abala pa ako sa paga-absorb sa mga kasalukuyang ganap.

"Sandali!" napasigaw na ako sa harap ng screen. "How did I qualify eh walang percentage ang beautimetric at overall percent ko?"

Bigla ay nag-flash sa screen ang mukha ni headmistress Glenda.

CLASS WITH A MISFIT: Along with the BeautiesWhere stories live. Discover now