Two

200K 4.8K 504
                                    

AVREIN

ABALA sa pamimili ng damit si Fria habang ako ay nakamasid lang sa mga naggagandahan at nagse-sexy-han na damit na nakikita ko. Dinala niya ako rito matapos ang oras ng trabaho kanina.

Fria was my childhood friend and she knows everything about me. Nang magdesisyon akong mag-apply ng trabaho sa kumpanya ni Sir Vience ay nagpasa agad siya ng resume para hindi raw ako malungkot.

I want this and those but I cannot wear those clothes anymore. Wala namang nagbabawal o kung ano pa man sa akin. Basta simula nang bumalik ako sa pagiging ako ay parang mas naging komportable na ako sa usual na sinusuot ko. Mahabang palda na hanggang sakong o jeans at blouse o long sleeves lang. Mas komportable rin ako na nakaladlad ang natural na wavy na buhok ko na hanggang bewang at nakasalamin ako kaysa suot ko ang mga contact lense ko na may grado.

"Wala kang nagustuhan?" tanong ni Fria sa akin nang makalapit siya dala-dala ang basket na punong-puno ng napili niyang mga damit.

"Marami, pero hindi ko gustong bilhin. Hindi ko rin naman susuotin," sagot ko sa kaniya.

"Fine. So . . . tara na? Bayaran na natin?" aya nito na tinanguan ko na lamang.

Kasalukuyang nagbabayad si Fria nang makaramdam ako ng pagbaba ng pantog ko kaya't nagpaalam ako sa kaniya na magbabanyo na muna ako.

Pumasok ako sa loob ng banyo at tahimik naman kaya't ipinagpalagay ko na walang tao rito kung hindi ako lang. Wala rin kasing pila sa labas.

Ginawa ko na ang dapat kong gawin nang makarinig ako ng mahihinang tinig ng babae na agad kong ikinakaba. Unang pumasok sa isip ko ay baka may multo ba sa banyo na ito.

"Please, Kent. I want you to take me now. I am more than willing to offer myself to you..." anang tinig na tila napapaos at agad gumapang ang kilabot ko dahil tila nasa katabing cubicle lamang ito.

Natataranta kong sinipa ang pinto ng cubicle at nagulat ako sa nakita ko. "S–SIR!"

May kasama siyang babae sa loob ngunit sila pinipilit siyang akitin nito base sa posisyon nila.

"SHIT!" bulalas nito nang malingunan niya ako at makilala. "Ms. Freezell!"

Tila nawawala sa sariling napalabas ako ng banyo nang mabilis. Pabalik na sana ako sa kinaroonan ni Fria nang may humawak sa pulso ko. Nang lumingon ako ay nakita ko si Sir Vience na seryoso ang mukha.

"Ms. Freezell," pagtawag niya sa akin sa baritono niyang tinig.

"S–Sir?" kabadong wika ko. Pakiramdam ko ay sinira ko ang eksena nila ng babae.

"About what you saw—just fuck it!" putol niya sa dapat na sasabihin niya at bigla na lang akong hinatak nito paalis.

"S–Sir! Iyong . . . bestfriend ko!" anas ko at tinangka kong hatakin ang kamay ko ngunit hinatak niya lang din ito saka ako sinandal sa pader na malapit sa banyo.

Nakahawak lang ang kamay niya sa pulso ko habang ang isa naman niyang kamay ay nakaharang sa kabilang gilid ko . . . and that caught me off guard.

Napahinto ako sa sasabihin ko pa sana nang akala kong hahalikan niya ako. Inilapit niya lang pala ang mga labi niya sa tainga ko. "Just go with me, Ms. Freezell. Iyong 10pm natin ay naging 8:30pm lang. Wala naman sigurong masama roon, hindi ba?" bulong nito saka pa bahagyang hinipan ang punong tainga ko na siyang nagbigay ng kilabot at tila kuryente sa katawan ko.

"O–Opo," sagot ko na tila na hipnotismo.

"Good," aniya na tila nakuntento sa isinagot ko saka ako biglang ginawaran ng halik sa pisngi.

My Naughty Boastful Boss (Freezell #2) [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon