Twenty

198K 4.1K 420
                                    

AVREIN

KAYA ko na ba? Kaya ko na bang harapin lahat ng maaaring mangyari oras na maibigay ko na ang sarili ko sa kaniya?

Nagising ako sa marahang pagtapik sa pisngi ko. Pagkamulat ng mga mata ko ay nabungaran ko si Vience na matamang nakatitig sa akin.

He smiled at me as if he had been staring at me for quite a while now.

"We're here," malambing niyang wika sa akin na para bang hindi siya nanuntok ng kaibigan niya kanina.

"Nasaan ba tayo?" tanong ko sa kaniya nang bahagya na akong makapag-inat-inat.

"We're in our resort here in Ilocos Norte," sagot niya na ikinagulat ko.

"What-" nagulat ako nang pigilin niya ang pagsigaw ko sa pamamagitan ng paglapat ng mga labi niya sa mga labi ko.

"No need to get nervous, just be yourself," aniya sa akin, saka hinaplos ang buhok ko at marahang kinintalan ng halik iyon.

Bumaba na kami ng sasakyan at bawat dadaanan namin ay ngumingiti sa amin at nagbibigay-galang.

"Just smile at them and never let them look at you as if they are degrading you just because you seem to be different. You are more than a priceless craft, Avrein. Be confident enough," bulong ni Vience sa akin, saka ako hinapit sa baywang.

Paano kong hindi pipiliin na mas mahulog pa sa kaniya kung laging ganito ang ipapakita niya-na para bang ingat na ingat siya na tipong ayaw niya akong basagin? Natatawa ako sa sarili ko dahil alam kong kung may tao man na kayang-kayang bumasag sa akin ngayon, siya na iyon.

Hinayaan ko lang siya na nakahapit sa baywang ko hanggang sa sapitin namin ang isang malaking pintuan na sa palagay ko ay siyang kinalalagyan ng kuwarto niya base na rin sa nakasulat na YOUNG MASTER VIENCE sa mismong harapan nito.

Pinihit niya ang seradura ng pinto at mabilis naman itong bumukas. Pumasok kami sa loob ng hindi pa rin niya inaalis ang pagkakahapit sa baywang ko.

Mataman niya akong tinitigan sa mga mata ko bago marahang ginawaran ng halik ang noo ko. "Take a shower and release your worries away. We'll eat after," aniya sa akin, saka na niya ako tinalikuran at pumasok sa isang pintuan na sa tingin ko ay banyo rin.

Mabilis akong tumalima at sinunod ang iniutos niya. Ninamnam ko ang bawat paglagaslas ng tubig sa katawan ko.

Kaya ko . . . kaya ko. Paulit-ulit na sinasabi ng utak ko ang mga katagang iyon.

Natapos akong maligo at nakakita ako ng mga damit na sadyang iniwan rito para suotin ko. Natagpuan ko ang isang hawaiian off-shoulder duster na nakatupi sa gilid ng labatory at underwear, pero walang bra.

Agad kong isinuot ang mga ito, pero naiilang ako dahil nakalitaw ang balikat at likod ko. Sinadya niya ba ito?

Lumabas na ako ng banyo at nagsuklay. Bahagya akong nagulat nang makita ko siyang nakaupo sa kama habang walang suot na pang-itaas at nakapantalon sa pang-ibaba.

Abs na naghuhumiyaw. Pambihira ka, Avrein!

"Shall we?"

"Saan-"

"Let's eat," aya niya, saka nagsuot ng sanding kulay puti na hakab na hakab sa katawan niya.

Nang palabas na kami ay kinuha niya ang kanang kamay ko, saka niya iyon ipinagsalikop sa kaliwang kamay niya.

Naupo kami sa pandalawahang lamesa at nag-serve na ang mga crew. Lahat ng inorder ni Vience ay halatang ilocano cuisine. Hindi ko alam kung anong tawag pero basta lahat ay masasarap.

My Naughty Boastful Boss (Freezell #2) [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon