Thirty-seven

154K 3.4K 415
                                    

AVREIN

"SAAN mo ba talaga ako dadalhin? Nasaan si Axel?"

Nang magising ako kaninang naidlip ako ng mga alas tres ng hapon ay nakabihis na ako at nakasakay sa sasakyan niya. Hindi ko alam pero para bang may humahabol sa amin na itim na sasakyan.

"Please, baby, I need you to cooperate. Kailangan mo lang bumaba kapag inihinto ko na ang sasakyan. I need you to do everything you can para makasakay ka sa helicopter," halos nagmamakaawang turan nito kaya't alam ko na may mali.

"Promise me you'll be safe," kinakabahang wika ko.

"I will. I promise."

Nang inihinto niya sa isang open area ang sasakyan ay mabilis akong bumaba gaya ng bilin niya. Mabilis ko lang naman nahanap ang helicopter na sinasabi niya.

"Take care, Vience, please."

"Yes, baby. Basta pagpasok mo sa helicopter isuot mo agad ang vest na may parachute, ha? I need you to be safe too." Tumango ako at mabilis ng tinakbo ang pagitan namin ng helicopter.

I silently thank God dahil naka-auto pilot ito dahil hindi naman ako marunong magpatakbo nito.

Gaya ng bilin ni Vience ay isinuot ko ang vest na nandito sa loob. "Babe, can you hear me?" mula sa speaker ng helicopter ay narinig ko.

"Vience? Oo, naririnig kita!"

"Good to hear that. I love you, baby."

"I–I love you too," kinakabahan kong sagot. Kanina kasi ay tila tense siya pero ngayon naman ay parang mas lalo siyang na-tense. "Vience, ano na bang nangyayari diyan!?"

"Dumungaw ka, Avrein, at makikita mo."

Ginawa ko nga ang iniutos niya at natagpuan ng mga mata ko na napapalibutan ng limang van ang sasakyan niya. Hindi malinaw sa paningin ko ang lahat dahil near sighted ako at hindi nakatulong ang lens na suot ko.

"Umalis ka na riyan, please!" sigaw ko. Natatakot ako na baka ano na naman ang mangyari sa kaniya. "Vience, you need to run! Pambihira ka namang lalaki ka, e! Nasa ganito na tayong sitwasyon—"

Ngunit bago ko pa mayari ang sasabihin ko ay nakarinig ako ng dalawang putok ng baril kasabay nito ay ang pagbagsakan ng dalawang puno.

Pagbagsak ng mga ito ay tila nabigyang daan ang isang malaking tarpaulin na kahit yata near sighted ako ay mababasa ko sa laki ng nakasulat dito.

"I fell for you really hard, baby. I have loved you since God knows when. I easily get bored when you were not around. I easily get irritated whenever I miss your presence."

"What is this all about, Vience—"

Ngunit gaya kanina, nakarinig na naman ako ng dalawang putok, saka muling may dalawang natumbang puno at may isa na namang malaking tarpaulin.

"I don't deserve you, or even an inch of you, but God gave me you. The woman I never wanted from the very beginning—the woman I never imagined I will spend the rest of life with."

Naramdaman ko ang unti-unting pagkabasa ng pisngi ko sa dahil sa mga luha ko. Pambihira 'tong lalaking 'to! Tinakot-takot pa 'ko!

Muli akong nakarinig ng putok ng baril at nagbagsakan na naman ang dalawang malaking puno at lumitaw na naman ang pangatlong tarpaulin.

"You're not my type, you're too manang but the hell I care. My mind, heart, body and soul only wants you and no one else but you. So . . ."

Putol talaga ang nakasulat sa tarpaulin.

"Baby, can you please jump? After you jump hatakin mo ang red tie riyan sa vest para bumukas ang parachute," utos niya na hindi ko sinagot. Doon ko lang din kasi napansin na hindi naman talaga umalis 'tong helicopter. Lumipad lang kami nang bahagyang-bahagya pataas pero hindi palayo.

My Naughty Boastful Boss (Freezell #2) [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon