Thirty-three

156K 3.7K 388
                                    

AVREIN

NAKABALIK na kami sa lungsod. Narito kami ngayon sa kompanya ni Vience at pagpasok namin ng opisina ay bahagya akong nagulat sa bumungad sa amin.

"Lolo! Auntie Vienna! Uncle Viennard!" excited na sigaw ni Axel nang mabungaran namin ang pamilya ng Daddy niya.

"Apo, ang laki-laki mo na," bati ni Sir Vic kay Axel.

"Lolo, I'm no longer a little. Look oh, I already have my Momma Girlfriend." Sabay turo sa akin ng anak ko habang nakangiti at tila proud na proud siya.

"No, bro. That woman is mine," singit naman ni Viennard at saka pumunta sa gawi ko. Grabe, malaki-laki na rin ang ipinagbago nila ni Vienna.

"You're a liar, Uncle! She's my Momma Girlfriend!" Mukhang malapit nang mag-tantrums si Axel.

Nginisian lang siya ni Viennard habang kami naman ay nag-e-enjoy lang sa ginagawa ng mag-tito.

Bigla na lamang akong hinatak ni Viennard dahil halos kasing laki ko na siya at akmang hahalikan sa pisngi nang may humatak sa kaniya palayo.

"You can tease my son but not me. Off limits, dude," banta ni Vience sa mababang tono.

"Sus! Seloso," dinig kong tumatawang bulong ni Vienna.

"Nandito lang naman kaming tatlo para salubungin kayo and also to make sure na safe kayong nakarating dito," panimula ni Sir Vic nang makaupo na kami sa sofa.

"We're fine, Dad. I told you, I can take care of my family," kumpiyansang sagot naman ni Vience dito.

"Mawalang galang na po, Sir Vic, my cousin Aeickel has a lead na maaaring sina Eirin at Luis—"

Naputol muli ang sasabihin ko nang makarinig kami ng katok sa pinto. Tumayo naman si Vienna at siya na ang nagbukas nito.

Nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata ni Vienna sa taong nasa likod ng pinto at kung paano ito tila kumorteng puso.

"OH MY GOSH, DADDY! THERE'S A HANDSOME GUY HERE! HE'S SUPER DUPER HANDSOME!" impit na tili at sigaw ni Vienna, saka pa ipinapaypay-paypay pa ang mga kamay sa sarili.

"Vienna Keyla!" sita naman ni Vience rito.

"He's just so guwapo! Guwapo pa sa 'yo!"

"Sino ba 'yan!?" tila naiirita namang tanong ni Viennard.

"I don't know, but his eyes were like ate Avrein's eyes."

Bigla naman tila gusto kong bumunghalit ng tawa sa narinig kong isinagot ni Vienna. Isa lang naman kasi ang naiisip kong guwapo na kamata ko bukod sa anak ko, kina Ayce at Ayler.

"It's me. Huwag mo nang pigilan ang tawa mo." Sakto namang pagpasok ni Aeickel na may blangkong mukha.

"Tita Aei!" sigaw muli ni Axel at tumakbo kay Aeickel.

"TITA!?" halos magkasabay na wika ng kambal.

"What the fuck? Is he gay?"

"This can't be happening! He's too masculine to be a gay!"

Natatawa talaga ako sa pagbubulungan ng dalawang ito.

"She's a she and she's Aeickel Lavria Freezell, Avrein's second youngest cousin," pakilala naman ni Vience rito.

"Nice to meet you all." Yumuko pa nang bahagya si Aei na tanda ng paggalang. "Kaya lang naman ako narito ay para ibigay sa inyo 'to." Iniabot niya kay Vience ang isang folder. "At first, I was really thinking kung bakit lahat halos ng lead ko ay itinuturo ako sa pagkakasangkot nina Luis at Eirin, but then this thought came in my mind—bakit kailangan na sa kanila patungkol lahat ng lead?"

My Naughty Boastful Boss (Freezell #2) [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon