Twenty-nine

156K 3.8K 817
                                    

AVREIN

"LUKE, come here, baby," tawag ko sa kaniya.

Imbes na sumunod ay mataman niya lamang akong tinitigan at pinagmasdan na tila inaaral niya ako.

Siya lang ang madalas kong makasama sa loob ng dalawang taon kong pamamalagi dito sa Isla Cassandra. Tatlong taon na rin naman ang matuling lumipas sa buhay ko.

"Iha, magmeryenda ka na muna. Iginawa ko rin si Luke ng pagkain na madalas mong gawin para sa kaniya." pukaw sa atensyon ko ni Manang Ising.

"Sige po, Manang. Makibaba na lang po muna riyan sa mesa," nakangiting tugon ko rito na ikinatango lamang nito bago umalis. Muli kong ibinalik ang tingin ko kay Luke na kasalukuyan nang nilalaro ang maliit na bolang inihagis ko sa kaniya.

Naupo na muna ako at sinimulang kainin ang meryenda na dinala ni Manang Ising.

"TITA AVREIN!" Napatigil ang pagkain ko sa tinapay na kinakain ko nang marinig ko ang tinig na iyon. Agad akong tumayo at tinungo ang glass sliding door na naghahati sa loob ng mansyon at sa hardin kung kami naroon ni Luke.

Patakbong pumunta sa akin si Ayler sabay akong niyakap. "Hi," bati ko rito.

"Good morning, Tita Avy," bati sa akin ni Ayce na walang ka emo-emosyon mula sa likod ni Ayler.

"Good morning din, Ayce," bati ko pabalik dito. Sanay na din naman ako sa batang 'yan na hindi talaga siya magiliw sa mga babae at hindi marunong ngumiti. Hindi na rin ako nalilito kay Ayler at Ayce kahit na wala silang pagkakaiba sa facial features nila.

Magtatanong na sana ako kung sinong kasama nila nang magsalita si Ayler, "We are with Mama and Daddy, Tita Avrein. Pumunta lang po muna sila sa room na gagamitin namin ni Ayce para po ibaba ang mga gamit namin."

"I see. Magmeryenda na muna tayo. May pagkain doon sa mesa," paanyaya ko sa mga ito.

"Tita, where's Luke po?" tanong ni Ayce. May kasupladuhan lang talaga ang batang ito pero halata naman na magiliw siya sa paligid niya.

"He's in the garden. He's playing," sagot ko, saka na tumakbo sina Ayce at Ayler patungo kay Luke.

Akmang susunod na sana ako sa mga ito nang may malilit na kamay na humawak sa hita ko.

"Ma'am Ableyn," pagtawag nito sa akin.

Awtomatiko akong napalingon at hindi nga ako nagkamali sa inakala ko. "Hello, Cyrill Anne," nakangiti kong sabi rito.

"Cyan na lang po tatawag n'yo sa 'kin, Ma'am Ableyn," sagot naman nito.

Anak ng isa naming kasambahay itong si Cyan. She's cute. Ka-edad siya nina Ayce at Ayler. Mayroon siyang maliit na dimples sa ilalim na parte ng kanang labi niya.

"May sasabihin ka po ba sa akin?"

"Tabi po ni Nanay, papaliduan niya daw po ti Luke. Tunin ko na daw po tiya," mabulol-bulol na sabi nito na siyang lalong ikinangiti ko. Kahit na ka-edad niya lamang sina Ayler at Ayce ay kitang-kita ko na mas matured talaga ang utak ng dalawa kong pamangkin.

"Sige halika, puntahan natin sila," sagot ko rito, saka ko siya inakay patungo kina Luke, Ayler at Ayce.

Napalingon naman sa amin ang kambal nang maramdaman ang presensya namin ni Cyan.

"A–Ayce Lander?" tipong utal at hindi pa makapaniwalang tawag ng batang akay-akay ko kay Ayce. Ngunit imbes na ngitian ay ini-snob-an lamang siya ni Ayce.

"Cyrill Anne!" sigaw naman ni Ayler at patakbong sinugod si Cyan, saka niyakap kaya't napabitiw ito sa akin.

"Ayler Liam, natatakal ako!" angal naman ni Cyan sa ginawa ni Ayler. Natutuwa naman ako sa mga batang 'to. May love triangle yatang namumuo, ah?

My Naughty Boastful Boss (Freezell #2) [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon