Thirteen

201K 5K 263
                                    

AVREIN

"I like you. I really do. So please . . . stop pretending as Nierva Clei Agaña, Avrein Laiclei Agaña–Freezell," my body stiffened as I heard what he just said.

"W–what do you m–mean?" utal na wika ko. Napakalakas ng kabog ng dibdib ko sa mga oras na ito.

"Stop this, Avrein. You're already busted. Sinakyan na kita sa ilang linggo. Gusto mo pa rin bang ituloy ang pagkukunwari mo? Hindi ka ba napapagod sa ginagawa mo?"

Hindi ko alam kung anong nararamdaman niya. Kung ano ba talagang emosyon niya. Pawang blangkong emosyon lang ang bawat salitang nanggagaling sa kaniya.

"V–Vience."

"I thought that the moment that I saw you at the bar, aaminin mo na agad sa akin kung sino ka," aniya na puno ng kasarkastikuhan.

"U–unang beses mo pa lang akong nakita, a–alam mo nang si A-Avrein ako?" utal-utal kong tanong.

Inialis niya ang tingin niya sa akin at tumingin doon sa falls ngunit hindi niya pa rin binibitiwan ang kamay ko. "Maaari mong lokohin ang mga tao sa paligid mo, Avrein, pero hindi ako. Magaling ako sa pagkilatis sa mga babae. Alam ko kung kailan nila gusto na makipaglaro lang, alam ko kung kailan sila nagsisinungaling lang, at alam ko kung kailan sila nagpapanggap lang."

"S–sorry, Vience—"

"Ilang beses kitang hinihintay umamin pero hindi mo ginawa. Ganoon ka ba nag-e-enjoy sa ginagawa mong panloloko at pagpapasakay?" Tila sa bawat salitang sinabi niya ay may hinanakit siya.

"P–paanong ilang beses mo kong hinintay na u–umamin?" Hindi ko maiwasang magtanong dahil nahihiwagaan talaga ako kung paano niyang nalaman na ako 'to.

"Una, imposibleng magkaroon ng dalawang tao na magkamukha at pareho pa silang may nunal sa tuluan ng luha. And your eyes . . . hindi ba noon ko pa sinabi sa iyo na iba ang mga mata mo? Kahit tumingin man ako sa iba, makikilala at makikilala ko ang mga mata mo. Noong gabing nakilala kita, I tried seducing you para umamin ka, but you gave me your fake name instead."

"Hindi ko naman inakalang aabot ako sa ganito. All I wanna do is have fun being Clei. But it turned out na kailangan kong magpanggap nang tuluyan dahil nakilala kita as Clei." I stared blankly at the space. I don't know where I got all the courage to speak without even stammering.

"That day na sinabi kong tumugtog ka ng violin, hinihintay ko na sabihin mo na hindi puwede, na ikaw at ang babaeng dapat na tutugtugan mo ay iisa . . . pero hindi mo ginawa. Pinagmasdan ko lang ang mga galaw mo at napagtanto kong wala ka talagang balak umamin. Doon sa Ox Grill, remember that told you that 'you made it', pero ang isinagot mo ay nagkakamali ako. Kung alam mo lang kung gaano kita gustong pigain that time para lang umamin ka."

Bakit hindi ko man lamang napansin na simula una pa lang pala ay kilala na niya ako? Pambihira! Ano na bang nangyayari sa akin?

Now I know kung bakit isa siya sa magagaling na businessmen sa bansa. He's really unpredictable.

He paused for a while at nakita ko sa peripheral vision ko na tinitigan niya ako. "Your lips . . . I've tasted Avrein's lips kaya't imposible na may dalawang tao na magkasing tamis ng mga labi. Since the first time na matikman ko ang mga labi mo sa kasal ng pinsan mo, hindi ko na nakalimutan kung gaano katamis ang mga iyan."

"V–Vience , I'm really—"

"Noong gabi na na-allergy ka sa tequila, gusto ko lang talagang ma-grab ang opportunity na iyon para umamin na kayo sa akin pero hindi n'yo na naman ginawa. Ang mga files na kunwari ay ipinadadala ko sa 'yo para asikasuhin mo, alam kong si Fria ang tumatanggap ng mga iyon. Hindi ko alam kung anong kalokohan ba si Clei at bakit ayaw n'yong ilabas ang pagkatao niya sa publiko," pagputol nito sa sinasabi ko nang hindi pa rin talaga niya inaalis ang pagkakatitig sa akin.

My Naughty Boastful Boss (Freezell #2) [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon