Seventeen

181K 4.3K 460
                                    

AVREIN

"OKAY na ba ang anak ko?"

Napatingin ako sa pinanggalingan ng tinig na narinig ko. Kasalukuyan kasi akong pababa ng hagdanan mula sa kuwarto ni Sir Vience. Inihatid ko kasi siya roon matapos siyang himatayin sa basement kanina.

"Opo, Mr. Montealegre. Natutulog na po siya," tipid na ngiting sagot ko.

"Salamat, iha. Salamat at kahit paano ay napagtitiisan mo siya kahit na madalas ay ibang klase ang ugali niya," anito sa akin.

Hindi na muna ako sumagot at nagtuloy sa pagbaba ng hagdan hanggang sapitin ko mismo ang harap ni Sir Vic.

"Sanay na rin po ako. Mabait naman po si Sir Vience."

"Hindi ka ba niya binastos, iha? Hindi ka ba niya sinasabihan ng kung ano-ano? Kilala ko kasi 'yang si Vience. Hindi siya nakakatagal na hindi magsasalita ng kung ano-ano lalo't magandang babae ang kausap niya."

Hindi ako agad nakasagot sa sinabi ng Daddy ni Vience dahil kahit ako ay nabigla rin sa nangyari sa basement kanina.

*****

"My angel . . . I'm falling."

Mabilis ko siyang nasalo dahil siya na rin mismo ang bumuwal sa katawan ko.

"Sir—"

"I told you don't call me Sir kapag tayong dalawa lang ang magkasama."

"Opo—"

"And the po at opo." Kahit na tila wala na siyang lakas ay may lakas pa rin talaga siya ng loob na makipagtalo sa akin.

"Kaya mo bang umakyat tayo?" malumanay na tanong ko.

"Bakit? Gusto mo ba ay dito na lamang tayo?" balik na tanong niya na ikinakabog ng dibdib ko.

"H–Hindi naman 'yon ang ibig k–kong sabihin."

"Okay then stop asking." Tila ang bilis naman ng pagbabago ng mood niya.

"Inaaalala ko lang po kayo," tugon ko.

"I don't want to hurt you," mula sa kung saan na anas nito.

"H­­–Huh?"

"Stop being nice to me, stop being there for me. Stop being you! I'm useless, Avrein. I can't love you back because I'm useless."

"Vience!"

"Why? Hindi ba't kaya ka lang naman talaga narito ay dahil gusto mong iparamdam sa akin na mahal mo ako? Hindi ba't iyon naman talaga?" may halong kasarkastikuhang wika nito.

"Hindi ko 'to ginagawa para ipilit ang sarili ko. Ginagawa ko 'to dahil alam kong ito ang tama bilang sekretarya mo."

Gusto kong pasalamatan ang sarili ko dahil nasabi ko nang maayos ang gusto kong sabihin nang hindi man lamang nauutal.

"Really?" himig kasarkastikuhan pa rin niyang tugon bago niya iniayos ang sarili niya at nagpilit na makatayo nang tuwid.

"Look, Sir, if you think that I'm doing these things because you already knew that I love you, then think twice. I may be in love with you but that doesn't mean that I'm going to do everything for your attention. I'm not that pathetic, I'm not that desperate!" maluha-luhang saad ko. Sobrang sakit ng bawat binitawan kong salita para sa 'kin.

Alam kong nagsisinungaling ako. OO! Nagsisinungaling ako dahil alam ko sa sarili ko na handa kong gawin lahat mahalin niya lang ako. Bakit, mali ba? Mali bang hingin ko na mahalin niya rin ako? Bawat taong nagmamahal ay gustong mahalin din pabalik, anong pinagkaiba ko? Tao lang din naman ako.

My Naughty Boastful Boss (Freezell #2) [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon