Six

256K 5.6K 183
                                    

AVREIN

AWTOMATIKONG naitulak ko ang dibdib niya nang magproseso sa utak ko ang sinabi niya.

"U–Uuwi na po ako, Sir," utal na wika ko rito nang hindi ko man lamang siya tinapunan ng tingin at tumayo mula sa pagkakaluhod ko.

Lumakad ako palapit sa glass door na dinaanan ko kanina. Akmang bubuksan ko na ito nang maramdaman ko ang isang kamay sa braso ko.

Sandaling nagtama ang mga mata namin bago siya nagsalita. "We'll talk, Ms. Freezell."

"N–No need, Sir. K–Kailangan ko na pong umuwi," utal na pagtanggi ko saka ko binawi ang braso ko at humarap sa salamin.

"Fine, I'm sorry. I was too impulsive and full of myself," anas nito na nakapagpakislot sa akin.

Hindi ko siya nilingon at binuksan ko ang pintuan ngunit sa kasamaang palad ay ayaw nitong bumukas.

"I said I'm sorry, Avrein," turan na naman nito ngunit nanatili akong nagpupumilit buksan ang pintuan.

Pambihira pinto, bumukas ka!

"I'm sorry. This will be the last time that I will say those words for what I've done. Kung hindi mo matatanggap, mapipilitan akong paamuin ka sa paraang kinasanayan ko," aniya at sa tono niya ay tila nagbabanta kaya't napilitan akong humarap na siya namang pinagsisihan ko. Sobrang lapit pala ng mukha niya sa mukha ko kaya't muntik nang magdikit ang mga labi namin.

"O–Okay na po iyon, Sir. U–Uuwi na po ako," utal na tugon ko dito dahil hindi man lamang niya inilayo ang mukha niya sa mukha ko. Hindi rin naman ako makaurong dahil sliding door na ang nasa likod ko.

"You don't want to talk to me?" usal nito sa mapang-akit na tono at ang paraan ng pagtitig niya sa mga mata ko ay talaga namang parang nakakalusaw.

"K–Kailangan ko na po kasing umuwi," paalam ko saka ko inilihis ang mga mata ko sa mga mata niya. Nakakatakot dahil . . . pakiramdam ko ay bibigay ako sa mga matang iyon.

"What if . . . ayaw kitang pauwiin?" anito at itinukod ang magkabilang kamay sa gilid ko.

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Kung anong dapat maramdaman ko, o . . . kung anong dapat isipin ko.

"W–Why are you doing this, S–Sir?" tanong ko nang hindi man lamang tumitingin sa mga mata niya.

"Hindi ko rin alam, Avrein."

"Pero—"

"Hindi ko alam bakit naiinis ako sa tuwing mararamdaman ko na wala akong dating sa 'yo. Hindi ko alam kung bakit parang nasisiraan ako sa tuwing may nakikita kang mas dapat bigyan ng atensyon kaysa sa akin. Hindi ko alam, Avrein. Hindi ko alam kung bakit ginagawa ko ito. Siguro nga, bago sa akin na may isang babae na hindi tinatablan ng karisma ko."

Pinilit kung gawing blangko ang ekspresyon ko saka ako tumingin sa mga mata niya. "Nasanay po kasi kayong laging nasa inyo ang atensyon ng kahit sinong babae, kaya't nasasaktan ka o naiirita sa tuwing mararamdaman mo na mayroon isa na hindi ikaw ang tipo." Nakita kong nagdilim ang anyo niya sa sinabi ko. "Hindi po ako nagpunta rito para gawin n'yo iyon, Sir. Kung may problema po kayo sa akin ay maaari n'yo naman po akong tanggalin sa kumpanya, hindi n'yo na po ako kailangang bastusin o halikan para lang mapatunayan n'yo pong lahat ng babae ay magkakandarapa sa inyo. Sinasabi n'yo pong hindi n'yo 'ko babastusin pero iba pa rin po ang ginagawa n'yo sa sinasabi nyo," diretso kong anas at nakita ko ang mas lalong naging pagdilim ng mukha niya.

Muli akong humarap sa sliding door at narinig ko ang pagbuntonghininga niya.

"Nana Lena, open the door." wika nito na hindi ko na ipinagtaka. Alam ko na kanina pa ay may sadyang nag-lock ng pintuan.

My Naughty Boastful Boss (Freezell #2) [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon