Twenty-four

163K 3.7K 492
                                    

AVREIN

"AVREIN! What the hell happened, Avrein? Answer me! Your silence worries me the most!" Napabalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang malakas na boses ni Ate Aiyell. Hindi ko alam bakit dito ako dinala ng mga paa ko sa bahay nila ni Kuya Claw.

Tumingin lang ako sa mga mata niya at hinayaan kong basahin niya ako rito.

"Stop playing puzzle game with me, Avrein. I'm not good at this," anito sa akin, saka yumuko at kinuha ang telepono sa gilid nito. "I'll call Aei."

Narinig kong kinausap nito sa Aei sa kabilang linya, saka ibinaba ang telepono. "Where's Ayler and Ayce?" tanong ko sa kaniya tungkol sa kambal niyang anak.

"They're already sleeping. Mas komportableng matulog si Ayler pagkatabi niya ang Daddy niya, while Ayce is more comfortable 'pag mag-isa siya sa kuwarto niya," paliwanag nito.

Tumango lang ako bilang sagot.

Nakabalot ako ngayon ng malaki at makapal na tuwalya na bigay ni Ate Aiyell. Hindi ko na naalalang dalhin ang kotse ko papunta rito sa bahay ni Ate Aiyell. Basta ang alam ko lang ay mula nang umalis ako sa bahay nila Vience ay naglakad lang ako nang naglakad hanggang sa abutan ako ng malakas na ulan. Nakakatawa ngang isipin na pati ang langit ay nakikidalamhati sa sakit na nararamdaman ko.

Kapwa lang kami walang kibo ni Ate Aiyell at nagpapakiramdaman nang makarinig kami ng katok na bumasag sa katahimikan.

Tumayo si Ate Aiyell at pinagbuksan ito. Hindi na rin ako nasorpresa nang makita ko si Aeickel ang pumasok.

Tumingin ako sa gawi nila ngunit isang malamig na tingin lang ang ibinati ni Aei sa akin bago naupo sa kaharap na sofa ng inuupuan ko.

"Aei—"

"I already told that he was going to reject you and the baby, but you just never listen," malamig at walang emosyon na putol nito sa akin.

"What— Baby? Anong baby!?" Ate Aiyell suddenly exaggerated.

Hindi ko pinansin si Ate Aiyell at ibinaling ko ang tingin ko kay Aei. "If only I saw that one coming, minabuti ko na lang na hindi ipaalam—"

"Teka nga! Naguguluhan ako? Ano 'to? Sinong buntis? Anong pinigilan? Ano!?" sabat ni Ate Aiyell kaya sabay kaming napalingon ni Aei sa kaniya.

"Wala—"

"She's pregnant and that guy named Vience Kent Montealegre is the one responsible for it."

"Aeickel!" I exclaimed. Ayaw ko na muna sanang ipaalam sa iba hangga't hindi ko pa naaayos ang sitwasyon ko.

"I just don't want you to get hurt, Ate Avrein," she replied in very cold and dangerous tone. Ramdam ko ang galit niya at ang pagnanais na protektahan ako.

"Aei," tawag naman sa kaniya ni Ate Aiyell.

"You wouldn't want to hear what's running on my mind, Ate Avrein," malamig na pag-ignora nito sa pagtawag ni Ate Aiyell sa kaniya. "I am capable of killing someone that ruins my family. Just surrender chasing him, he'll eventually realize that the baby was his."

Lahat ng tao sa paligid ko, sinasabing sumuko na ako. Dapat na nga ba akong sumuko?

NAALIMPUNGATAN ako nang dahil sa walang humpay na pag-doorbell na natanggap ko.

Bumangon ako at tiningnan ang orasan sa side table ko. Ala-una na ako nakauwi ng unit ko mula sa bahay ng mag-asawang Mondragon at ngayon ay alas-tres 'y media pa lamang. Iilang oras ko pa lang naitutulog ang sakit na nararamdaman ko, ngayon at ito na naman at may nanggugulo.

My Naughty Boastful Boss (Freezell #2) [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon