Nine

213K 4.9K 192
                                    

AVREIN

"YOUR lips, Clei. Your lips taste like hers . . . my secretary's lips."

Walang sabi-sabing itinulak ko siya palayo sa akin at mabilis akong bumalik sa table namin ni Fria.

Narinig ko pang tinatawag niya ako ngunit hindi ko siya nililingon. Natatakot ako na baka makita niya ang reaksyon ko. Alam kong mukha ako ngayong binuhusan ng balde ng malamig na tubig.

"What happened?" maagap na tanong ni Fria sa akin nang kuhanin ko ang bag ko.

"I need to go, Fria," tanging anas ko, saka mabilis na lumakad palabas ng bar na iyon. Ramdam ko pa ang habol tingin na ginawa ni Fria sa akin.

Pasakay na sana ako ng sasakyan ko nang may humigit sa braso ko. Malaki talaga ang pasalamat ko at hindi ang sasakyan ni Avrein ang dinala ko kung hindi ay baka nakilala na ito ni Vience. Mas nakakatakot dahil mas lalong hindi ko na alam ang idadahilan ko.

"Where are you going?"

"Far away from you," sagot ko, saka ko tangkang hinigit ang braso ko ngunit nabigo ako. Mahigpit ang hawak niya rito ngunit sa hindi masakit na paraan.

"Ano bang problema?" tanong nito.

"You're really asking me?" sarkastiko kong saad habang pinipilit kong patigasin ang dating ko. "Ikaw kaya ang ikumpara sa labi ng iba? Paano kung ako ang nagsabi na kalasa ng labi mo ang lasa ng labi ng driver ko, matutuwa ka ba?" kunwaring galit na anas ko, saka ko na tuluyang binawi ang braso ko. Nagpapasalamat ako at naging mabilis ang utak ko sa pag-iisip ng epektibong palusot.

"Sorry."

"Sorry? Saka mo na sabihin 'yan 'pag sincere ka na talaga." Binuksan ko na ang pinto ng sasakyan ko at akmang sasakay na ako nang ako mismo ang tumigil. "And next time pala, kung hahalikan mo man ako, siguraduhin mong hindi mo ihahambing sa iba ang mga labi ko dahil nag-iisa lang ito. Iyon ay kung may next time pa," muling turan ko bago tuluyan na akong sumakay ng sasakyan at iniwan siyang lito sa mga sinabi ko.

NARITO na ako ngayon sa opisina at kasalukuyan kon ikino-compile lahat ng files na dapat pirmahan ni Sir Vience. I need to be efficient dahil sa pagliban ko kahapon.

Hindi ko namalayan ang oras at pagtingin ko sa orasan ko sa loob ng opisina ay nakita kong mag-aala una na. Ipinagtaka ko lang na hindi nagkakaingay sa opisina? Iyong tipong walang tao?

Hindi ko na lamang iyon pinansin at nilabas ko na ang baon kong pagkain mula sa bag ko at sinimulan ko na itong kainin.

Natapos akong kumain saktong ala una at wala pa rin akong naririnig na nagkakaingay kaya't napagdesisyonan ko na lumabas at tingnan ang paligid.

Paglabas ko ay nagtuloy ako sa third floor kung saan marami dapat tao dahil nandoon ang mga field workers.

Napabunot ako sa cellphone ko nang wala man lang akong naabutang tao. Mabilis kong kinontak ang numero ni Fria.

"Hello?"

"Fria, nasaan ka?"

"Sa baha. Bakit?" Nangunot ang noo ko sa tinuran nito.

"H–hindi ka pumasok?" Hindi ko maiwasan ang unti-unting kabahan dahil tila may mali.

"Gaga! Wala kayang pasok dahil may malakas na bagyo ngayon!"

"Pero—"

"Don't tell me nasa office ka?"

"N–nandito nga ako," utal na sagot ko sa kaniya.

"May dala ka bang sasakyan—"

"W–wala!"

"Avrein, I knew you. Huwag magpa-panic, okay? Ang alam ko pupunta riyan sina Delia at Nina nang bandang alas tres dahil may kukuhanin sila at dahil kalapit lang naman ng apartment nila ang office. Sumabay ka na lang sa kanila at doon ka na muna."

My Naughty Boastful Boss (Freezell #2) [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon