Twenty-eight

173K 3.8K 585
                                    

AVREIN

ILANG oras na akong parang tanga na nakatanaw rito sa bintana ng mansyon sa rancho. Mag-aalas nuebe na naman nang gabi pero hindi pa rin siya dumarating. Ilang araw nang ganito ang laging nangyayari.

Oo nga't bumabawi siya sa akin sa umaga ngunit pagsapit nanaman ng hapon ay lagi siyang nagpapaalam na aalis. Hindi ako nag-uusisa kung saan siya pumaparoon. Hinahayaan ko siyang kusang magsabi kung gusto niya talaga.

Hindi ko iniisip na nagloloko siya dahil nakikita ko naman sa mga mata niya kung gaano niya talaga ako gustong pahalagahan at ang magiging anak namin kahit na nga hindi ko alam kung paano niya tinanggap sa sarili niya na magkaka-anak na talaga siya.

Saktong babalik na sana ako sa kuwarto ko nang makarinig ako ng paparating na makina ng sasakyan.

Maaga siya sa ngayon. Madalas ay alas onse o alas dose siya dumarating.

Nang makita ko siyang nakapasok na ay mabilis akong pumasok sa kuwarto ko. Gabi-gabi ganito ang gawain ko. Gabi-gabi na darating siya ay nagpapanggap ako na mahimbing na natutulog. Magkahiwalay kami ng kuwarto dahil iyon ang hiniling ko dahil tuwing nalalapit siya sa akin ay gustong bumigay ng katawan ko.

Narinig ko ang pag-ingit ng pintuan ng kuwarto ko tanda na may pumasok dito. "Avrein?" pabulong na tawag niya sa pangalan ko. "Sorry, hindi na naman kayo nasamahan ni Daddy na mag-dinner. Babawi na lang ako bukas paggising n'yo. I love you both," aniya, saka ko naramdaman ang pag dampi ng malambot niyang labi sa noo ko.

Gabi-gabi niya ring ginagawa ito—ang pupunta siya sa kuwarto ko at magso-sorry na hindi siya nakasabay mag-dinner.

"I love you, Avrein. I love you so much, and I trust you. Kahit ilang beses nilang isampal sa akin na hindi ako maaaring magka-anak, wala akong ibang paniniwalaan kung hindi ikaw lang. Ikaw at ikaw lang. You're the only reason why I'm still holding on the fact na kahit gaano pa ako kagago at katarantado, may taong darating para baguhin ako—ikaw 'yon at ang magiging anak natin. Kaya sana maintindihan mo 'ko sa mga ginagawa ko sa tuwing umaalis ako, para sa atin 'yon. Mahal na mahal kita." Pagkasabi nito ay naramdaman ko na ang mabilis na pagkawala ng presensya niya.

Doon na tuluyang naglandas ang mga luha mula sa mga mata ko. Bawat salita niya ay punong-puno ng sinseridad at pagmamahal ngunit punong-puno rin ng sakit na pilit itinatago.

Sino ang mga taong nagsasabi sa kaniya na hindi siya maaaring magka anak? Sino ba kasi ang babaeng tinutukoy ni Luis?

NAGISING ako nang maka-amoy ako ng amoy ng ginigisang bawang na nasusunog. Kaya't tumayo na ako at mabilis na nagtungo sa kusina.

Natagpuan ko si Vience na duwal nang duwal sa lababo habang ang kawali naman na nakasalang sa kalan ay puwede nang ikumpara sa uling ang laman. Amoy na amoy lang talaga ang bawang.

Mabilis kong pinatay ang kalan at dinaluhan si Vience, saka ko hinagod-hagod ang likuran niya.

Gulat na napalingon naman siya sa akin. Maluha-luhang mga mata ang bumungad sa akin pagkita ko sa mukha niya. Halatang hirap na hirap talaga siya.

"Sino ba kasing nagsabi sa 'yo na magluto ka, ha!?" sermon ko rito.

"Gusto ko lang naman bumawi kaya lang sobrang pangit pala ng amoy ng ginisang bawang. Parang binabaliktad ang sikmura ko sa amoy," sagot niya nang mahimasmasan na.

"Sino bang nagsabi na magsinangag na kanin ka!?" Naiinis ako sa kaniya. Ayokong nakikita na nagsusuka siya dahil sa paglilihi dahil parang ako ang nahihirapan at natatakot ako na sa akin na mangyayari 'yan matapos lang ang ilang buwan.

Nakita kong malapit nang bumagsak ang mga luha niya dahil sa pagbulyaw ko. Pambihira! Napakalala naman yata ng paglilihi niya.

"Enough, Avrein. Enough!" putol nito sa akin habang nakayuko na tila si Garry Valenciano. Nakatakip ang isang kamay niya sa bibig niya at ang isa naman ay nasa dibdib niya. "Nasaktan na 'ko."

My Naughty Boastful Boss (Freezell #2) [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon