Thirty-four

149K 3.4K 323
                                    

AVREIN

"AVREIN!"

Kasunod ng pagtawag sa pangalan ko ay siya namang pagdapo ng isang malakas na sampal sa pisngi ko. "Come back to your senses! Hindi natin kailangan sa ngayon iyang pag-iyak mo! We need to think kung nasaan nila dinala ang anak mo!" sigaw ni Fria sa akin ngunit nanatili lamang akong tahimik.

Hindi nila alam kung gaano kasakit ang nararamdaman ko.

"Hindi n'yo ako naiintindihan," bulong ko. "HINDI N'YO NAKUKUHA NA NGAYON KO LANG ULIT NAKASAMA AANG ANAK KO PERO BIGLA NA NAMAN SIYANG INAGAW SA AKIN! ANO BANG NAGAWA KONG MALI?"

I never imagined that I could cry like this.

I felt the arms that wrapped around me. "I'll do everything to save our son, I promise."

"Hindi ko kayang mawala muli sa akin ang anak ko. Ikakamatay ko."

"I know. You just have to trust me,."

Naputol ang eksena namin nang humahangos na pumasok si Kuya Claw. "I'm sorry. Natraffic ako sa paghahatid kina Ayler at Ayce sa Isla Cassandra," anito at tumabi kay Ate Aiyie.

Narito kami ngayon sa opisina. Ako, si Vience, Aeickel, Fria, Daddy Vic, Lola Cass, Daddy, Mommy, Kuya Claw, Ate Aiyell, Vance, at Luis.

"Pinak mabuti nating gawin ay hintayin ang tawag nila. That way ay mata-track natin kung saan manggagaling ang tawag," dinig kong wika ni Ate Aiyell.

"That's right," ani Luis at masamang tingin ni Vance ang sumalubong sa kaniya. "I wouldn't be here if I knew to myself that I'm guilty."

"What if you're just pretending para malaman mo ang susunod naming hakbang? At sino ba kasi ang nagpatuloy sa 'yo ito, ha!?"

"I did." Napatingin kaming lahat kay Aeickel nang magsalita siya.

"And to clear myself, I won't do such kind of thing. I'm not a retard! I knew how to forgive and forget. Revenge isn't in my vocabulary. Revenge is just for the immature ones! Want to know why am I here? I just want to know if Eirin is still alive! If she still exists because some fucking human involved her innocent name in this goddamn situation!" galit na anas ni Luis, saka pa siya napahilamos sa mukha niya.

"Enough." isang maotoridad na tinig ang nagpatahimik sa aming lahat. "Now plan." That was Lola Cassy.

Hindi ko alam pero tila may nagtutulak sa akin na ilayo pansamantala si Aeickel at kausapin ukol sa pagparito ni Luis.

Ginawa ko ang sa palagay ko ay tama. I dragged Aeickel out of the scene. Nakita man nila ay hindi na nila pinansin. Siguro alam din nila na kailangan naming mag-usap na dalawa. Narito kami ngayon sa veranda ng opisina ni Vience.

"Why did you bring him here?"

"Luis isn't the master mind and he is not even involved here. All he knew was about Denelle's lies, and Denley's plans of making you and Vience separated. That's all he knew. He's also clueless about Eirin's existence."

"You got him investigated, aren't you?" she nodded.

"Are we done? 'Cause I need to go back in there to check if their plans are according to my own plan."

"You have your own?"

"Of course."

Bumalik na kami sa inuupuan namin kanina at nadatnan namin na tila patapos na silang magplano sa magaganap.

Isang tunog ng telepono ang pumukaw ng Atensyon naming lahat—it was my phone.

Unknown Number Calling...

My Naughty Boastful Boss (Freezell #2) [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon