Thirty-one

160K 3.7K 226
                                    

AVREIN

"NASAAN tayo?" tanong ko sa lalaking katabi ko ngayon sa kakahintong kotse.

"Sa taguan ko," sagot nito saka bumaba sa kotse na siyang nakapag pakunot ng noo ko.

Sumunod naman ako sa kaniya at nakita kong sinususi niya ang pintuan ng payak na bahay na nadatnan namin.

"Ako lang mag-isa rito. Hindi ito alam ng kahit sino—even Danelle and Axel." Bahagyang may kumirot sa akin sa narinig ko. Ang pangalan ng taong nakasakit sa damdamin ko at ang pangalan ng anak ko ay magkasama sa iisang pangungusap, hindi ko iyon gusto.

Pumasok na siya nang mabuksan ang pintuan. Hindi ako sumunod at nanatili lamang akong nakatayo. Hindi ko alam pero hindi ko mawala sa isip ko na may kasamang ibang babae ang anak ko na dapat ay ako.

Axel Leindeyl Freezell–Montealegre. My son, he's mine.

Nagulat ako nang may humatak bigla sa kamay ko at nakulong ako sa mga braso nito. "V–Vience—"

"All I can say is I'm sorry. I'm sorry for all the pain. Trust me, Avrein."

Bigla ko siyang naitulak na kahit ako ay nagulat sa ginawa ko. Kusang gumalaw ang mga paa ko at humakbang patalikod upang mapalayo sa kaniya.

"Never ever mention the word trust, Vience. I'm begging you. Never mention it. The last time I gave you my trust, I got lost—I lose not just myself but everything, even the precious time being with my own child."

"I have nothing to say but sorry." Akmang hahawakan niya ako pero umiwas ako.

"My wounds healed and I'm much sure about that, Vience. But my scars? No. There's still the pain behind every scars of every wound you've caused. This pain is still as painful as hell and it gives me strong walls not to give my trust again—not again. Not to the man who broke it not just once, and not just twice, but many times." I said that straight to his eyes and I saw how painful it was for him.

"Please just for now, be with me. I have to tell you something. Ayokong malagay sa panganib ang buhay mo kaya't pumasok na tayo," paliwanag niya, saka na naman siya humakbang palapit sa akin at hinawakan ako—pero this time ay hindi na ako umiwas.

NAGISING ako na tila may humahaplos sa pisngi ko. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at bigla akong napatayo nang ang nakangiting mukha ni Vience ang mabungaran ko.

"W–What are you doing—"

"You over slept. It's already two in the morning and you haven't yet eaten your dinner," maaliwalas ang mukha na sagot nito sa akin.

Kanina kasing pumasok kami sa taguan niya ay naupo muna ako sa mahabang sofa habang nagluluto siya. Hindi ko naman namalayan na nakatulog na pala ako.

"Tara't kumain ka na," wika nito at nagpatiuna na patungong kusina.

Nakarating na kami ng kusina at nagsimula na akong kumain pero titig na titig siya sa akin kaya't naiilang ako.

"Avrein," pagtawag nito sa pangalan ko kaya't nahinto ako sa pagkain at tinaas ang ulo ko.

"What do you want?" malamig na wika ko.

"You," nakangisi nitong sagot na nakapagbigay kaba sa akin kahit na hindi ko gusto.

"S–shut up! Ano bang problema mo?" inis na bulyaw ko rito pero nanatili pa rin siyang nakangisi.

"You told me a while ago that you don't want to trust me anymore—that you're scared of trusting me. But, why does your eyes and actions do the exact opposite of your words?"

My Naughty Boastful Boss (Freezell #2) [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon