Twenty-three

142K 3.1K 219
                                    

AVREIN

HALOS ibato ni Fria lahat ng mahahawakan niya dahil sa mga sinabi ko sa kaniya.

"Damn him! Pagkatapos ka niyang ikama ay itatapon ka na lang na parang basura? Sana ikiniskis niya na lang kung saan ang libog niya, hindi pa siya nakasira ng babaeng maaaring pang may magandang kinabukasan—"

"Stop it, Fria," malamig na utos ko rito.

"Pero, Avy naman! Hindi ka ba naaawa sa sarili—"

"Ginusto ko 'to. Tama lang na panindigan ko 'to."

"Ikaw lang ba may gusto niyan? Ginusto niyang may mangyari sa inyo tapos gaganiyanin ka niya? Itatapon ka na parang basura? Ibang klase naman pala talaga," sarkastikong wika nito. Ngayon ko lang siya nakitang nagalit nang ganito.

"Tama na, Fria. Gawin na lang natin kung ano bang talagang ipinunta nating tatlo rito." Kasama namin si Aeickel na ngayon ay tahimik lang at nakatitig sa nag-aalburotong si Fria.

"And now you're really hoping na buntis ka? Puwede ba kitang iuntog nang malakas para naman magising ka na?"

Hindi na ako sumagot, bagkus ay kinuha ko na lang ang test kit na inabot ni Aeickel at pumasok ng banyo ng unit ko at isinagawa ang dapat gawin base sa instruction na nakasulat dito. Ilang minuto lang akong naghintay bago lumabas. Hindi ko na muna tiningnan ang resulta.

"I'm done," pukaw ko sa atensyon nila, saka ko inilapag sa lamesita ang kit.

Hindi na ako nagulat sa resulta maging si Aeickel ngunit hindi si Fria. "Shit! At ngayon nga ay magkaka-anak ka pa sa demonyo na 'yon?"

Napaigtad ako nang may maramdaman akong kamay sa balikat ko kaya't napalingon ako. "What now, Aei?"

"You're not telling him, right? After what happened."

"No. I'm telling it to him . . . tonight."

Bigla akong kinabahan sa kaguluhan na gumuhit sa mata ni Aei. "Just be ready for his rejection," wika nito bago tuluyang tumayo at lumabas ng unit ko. Kapwa naman kami naiwan ni Fria na parehong naguguluhan.

"What does she mean by saying those words?" tanong ni Fria.

"I don't know either."

"That was a precautionary message. Don't you think so?"

"Maybe. She has the connection to all atoms. She knows something I don't. That's Aeickel Lavria Freezell we were talking, Fria."

"So you'll not go, right? You'll listen to her—"

"No. I'll still go. He has the right know," putol ko sa kaniya, saka marahang hinaplos ang tiyan ko bago ako tuloy-tuloy na tumuloy ng kwarto ko para magbihi. Dala ko ang pregnancy test kit na maagap kong inilagay sa bag ko.

NARITO ako ngayon sa tapat ng bahay nila. Hinihintay ko lang na pagbuksan ako ng guwardya.

"Sorry po, Miss. Hindi ko kaya agad napansin," hinging paumanhin nito bago ako tuluyang pinapasok.

"Okay lang po, saka gabi na rin naman. Siguro di n'yo lang ine-expect na may bibisita pa nang ganitong oras," nakangiting wika ko.

Tumuloy na akong pumasok hanggang sa marating ko na ang main entrance. Wala na rin sumalubong sa akin sa main entrance ng bahay. Siguro tulog na ang mga tao. Pasado alas-onse na rin kasi ng gabi.

Tuloy-tuloy lang ako hanggang sa sapitin ko ang pintuan ng kuwarto niya. Nagbabaka sakali ako na narito siya.

Kakatok na sana ako nang makarinig ako ng nag-uusap.

My Naughty Boastful Boss (Freezell #2) [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon