Four

183K 4.2K 282
                                    

AVREIN

NAGULAT ako nang bigla niya akong hatakin paakyat ng kama at idinapa sa ibabaw niya habang ang dalawang kamay niya ay pumalibot sa bewang ko.

Pambihira!Nakahubad po ako at alam kong ramdam na ramdam niya ngayon ang katawan ko!

"Never been touch," anito habang nananatiling nakapikit.

"M–Mr. Montealegre?" utal na anas ko saka ko tinapik ang pisngi nito.

"Kanina pa ako gising, Avrein, alam kong nasa banyo ka kanina pero ihing-ihi na ako. Nagpanggap akong natutulog para hindi mo masabi na sinisilipan kita. Masakit ang ulo ko kaya ako humiga sa kama mo. Nagpanggap na naman akong tulog habang nakahiga para hindi mo isipin na may balak akong masama. Hinatak kita hindi para bastusin ka. Hinatak kita dahil alam kong nilalamig ka na. Nakapikit ako ngayon habang kausap ka, dahil ayokong isipin mong binabastos kita," mahabang turan nito na halos nakapagpatanga sa akin. Seryoso ba talaga siya?

"Mr. Montealegre—"

"Vience. Vience ang itawag mo sa akin kapag wala tayo sa kompanya," putol nito sa akin. "Isa pa nga pala, salamat sa pagtatanggol mo sakin sa mga pinsan mo kanina at pagsasabi na nirerespeto kita. Bastos lang ako, pero alam ko pa rin naman ang mga babaeng dapat irespeto," dagdag pa nito saka inalis ang isang kamay na nakapalupot sa bewang ko at hinatak ang towel ko na nadadaganan niya at ipinalupot sa akin.

"Sir Vience—"

"Cut the Sir, just call me Vience."

"T–Tatayo na po ako."

"Cut the po."

"Tatayo na ako."

Pinakawalan niya ako at tumayo na ako mula sa pagkakadapa sa kaniya saka ko ibinalot ko nang mabuti ang katawan ko ng tuwalya.

Umupo siya sa dulo ng kama habang nakapikit pa rin.

"Sir—I mean Vience, 'wag kang didilat!" banta ko rito.

Sinimulan kong kuhanin mula sa likuran niya ang mga damit ko kahit pa alam kong naaamoy niya ang bagong paligong katawan ko.

"Avrein—"

"Huwag kang magsasalita, please. Naiilang ako," putol ko rito.

Tinapos ko nang mabilis ang pagbibihis habang binabantayan ko kung lilingunin niya ako. Baka mamaya ay may kung ano pang sumapi sa kaniya. "Maaari ka nang dumilat."

Sinunod niya naman ako at tila siyas namamangha nang makita niya ang itsura ko. "Messy hair, no thick eyeglasses and . . . you have the curves. Bakit mo itinatago?" tanong nito saka tumayo at naglakad palapit sa akin bago ako pinasadahan ng tingin.

"Hindi ko tinatago. Hindi ko lang gustong ipakita," seryosong tugon ko sa kaniya.

"Hindi ba't ganoon din iyon?" anito saka inilapit ang mukha niya sa mukha ko. As in malapit na malapit.

"No, iba ang tinatago sa ayaw lang ipakita," sagot ko nang hindi nauutal pero sa totoo lang gusto ko nang himatayin sa kaba. Hindi na ako sanay sa ganito, na . . . may lalaking ganito kalapit sa akin.

"Your eyes, may iba sa kanila," usisa nito habang nakakunot ang noo.

"Walang iba r'yan. N–Normal na mata lang 'yan," sagot ko rito habang pinipilit ko na patatagin ang loob ko.

"Hindi, may iba talaga sa kanila pati sa mga labi mo."

"P–Paano bang iba?" utal kong wika dahil inilapit niya pa nang sobra ang mukha niya na halos nagbabanggaan na ang mga ilong namin.

My Naughty Boastful Boss (Freezell #2) [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon