CHAPTER 5

30 4 0
                                    

[LHYCA]

Dahan-dahan ang hakbang ko papalapit sa kanya

"Hello.." mababa ang boses niya na parang ayaw niyang marinig ko ang sinabi

"A-anong ginagawa mo dito?" dahil tinigil ko na ang paghihiganti ko sa kanya hindi ko na rin siya sinubukang e reach out pa

"So sad.. na 'yan parin ang tawag mo sa akin.." ngumiti siya ng kunti pero nakita ko ang lungkot sa mga mata niya

"Why? Anong gusto mong itawag ko sa'yo, Christian? Tian?" Bigla siyang tumawa hindi ko alam kung peke o totoo

"Clam is enough.." tumango ako.

Dahan-dahan na kaming binalot ng katahimikan, unti-unti na ring dumidilim ang buong paligid. Wala akong balak magsalita una, wala na rin akong naisip na sasabihin sa kanya

"Uh.. pwede ba kitang mayaya bukas? I mean may pupuntahan lang tayo."

"Saan?"

"Sa kakambal ko kakauwi niya lang kanina ipapakilala sana kita sa kanya, para masabi ko na sa'yo ang totoo .." hindi ko alam pero bigla akong kinabahan

Dadalhin niya ako kay Steve, para masabi ang totoo?

"Ahm.. bakit.. kailangan ko pa.. siyang makita?" Dinadasal ko talaga na sana hindi niya mahalata sa boses ko ang kaba

"For the truth- I mean yeah for the truth.." kahit siya hindi alam kung tama ba ang sinasabi niya o hindi

Kung papayag ako sa inaalok niya baka kung anong mangyari, I mean baka mabuking ako ni Steve or whatever na ikakapahamak ko kahit sahihin ko pang tinigil ko na ang paghihiganti kay Clam. Pero still nagawa ko na siyang paglaroan

"Busy kasi ako bukas.. you know.." sana makalusot. Hangga't maaari ayokong magka interact ang kapatid niya

"So kaylan ka pwede?" Oh God, why can't he just leave me alone?

"Uh.. next week kasi, ahm.. mag-aaral na ako.. sa pagdo-doctor." gusto kong sabunutan ang sarili ko. Hindi ko gustong sabihin ang tungkol doon pero wala na akong maisip pa na dahilan!

"I see," the sound of disappointment in his voice makes me even more guilty

What if, aminin ko nalang kaya? Baka ikwento niya rin ako sa kapatid niya!

Bakit ba kasi padalos-dalos ako noong una, pinagsisihan ko na talaga

"Uh.. I'll just text you when I'm free." kailangan ko munang humingi ng tulong kay Joy

That makes him smile "I will wait for that, then?" I nod

He suddenly ruffles my hair, gusto kong kagatin ang kamay niya!

"Bye.." pumasok na siya sa loob ng kotse niya at inistart ang engine nito

"Pumutok sana gulong mo." naiinis ako, ginulo niya ang buhok kong ilang oras kong inayos!

"Wag naman, grabe 'to." tinawanan niya lang ako at umalis na

Nagdadabog ako papasok ng bahay habang dina-dial ang no. ni Joy

Expectations In- Love [Guevarra Brothers Series #3 (GBS)]Where stories live. Discover now