CHAPTER 39

39 2 0
                                    

[LHYCA]



Finally, this day comes, it's been a year since we talk about marriage and we started to dream it and now we made it!

Habang naglalakad papuntang altar panay ang punas ko sa mga luha ko habang ang isa kong kamay at may hawak na bulaklak sa magkabilang banda ko ay sina mama at papa, si mama panay rin ang hikbi

Umihip ang maligamgam na simoy ng hangin, garden wedding ang theme at venue na rin at ang mga bisita ay simple dress lamang na light purple ang motif

Maliliit ang mga hakbang ko papunta kay Steve kung pwede ngalang tumakbo para makalapit na ako kaagad sa kanya. Sa likuran ko ang dalawang tauhan sa boutique ni Thrianna para hawakan at ayusin ang laylayan ng gown ko

Nanatili kay Steve ang mga tingin ko na may kung anong sinasabi sa akin na hindi ko ma gets, bigla siyang nag finger heart kaya natawa ako habang umiiyak

Ang mga flower girl namin ay ang mga pamangkin rin niya na anak ng nga kuya niya at ganon din ang ring bearer na si Ally, kung saan saan pa siyang sulok sumusuot natatawa nalang ako sa mukha ng nanay niya

"Baby.."

"Wait.."

Nag-uusap kaming dalawa na kami lang nagkakaintindihan

Sino ba naman mag-aakalang yung pagkakamali ko noon naging isang malaking good karma, who would na ang magagantihan ko ay si Steve na dapat ay si Clam, ang pag-gastos niya ng 5k para lang sa isang agahan, ang pagbitbit niya ng mga paper bag, paghihintay sa wala, mga paghihirap na ginagawa ko para sana maranasan din ng ex ni Joy kung ano sa pakiramdam ang maghintay na wala namang kasiguradohan pero patuloy parin naghintay hanggang sa maubos na siya

Ang pag-aaral ko ulit para maging isa ng ganap na pedia, ang pagdala sa akin ni Steve sa concert ng BTS kahit nagseselos siya sa mga 'yon,  ang paghatid sundo ni Steve na ikinapahamak pa niya at naging dahilan para muntikan na siyang mawala sa akin

Nagising nga siya ako lang yung hindi niya maalala, at dahil mahal ko siya kaya hindi ako sumuko, sa tulong ng mga kaibigan at kapatid niya sa tuwing napapaghina ako ng loob nandiyan sila para palakasin ako at patuloy siyang ipaglaban.

Naging mag boyfriend at girlfriend, hindi perpektong relasyon pero masasabing kong matibay kaming dalawa, napaka understanding niya, napaka caring, mahal niya ako higit pa sa pagmamahal ko sa kanya, kung wala ang mahabang pasensya ng isang Steve Alexander para intindihin ang ugali ko,  hindi kami aabot sa araw na ito, araw na pinapangarap namin noon pa man

"Alagaan mo ang anak ko.." si mama parang siya pa yung ikakasal eh, hagulhol yarn

"Wag na wag mong sasayangin yan.. isa sa diyamante ko iyan.."

Bilin naman ni papa, diyamante niya raw ako

"Mamahalin ko siya tulad noon, at hindi yun mababawasan, madadagdagan lang.."

Bigla niyang tinaas ang belo ko at siniil ako ng halik, nagtawanan ang mga kapatid at daddy niya at napahiyaw ang mga barkada ko, napatikhim naman si papa at ang pari kaya hinampas ko siya sa balikat, hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko

"You're my drugs, and I'm addicted to you, Lhyc.."

Hinawakan niya ako sa kamay at binulongan na damhin muna namin ang kanta, ang wedding song namin perfect two by auburn

Expectations In- Love [Guevarra Brothers Series #3 (GBS)]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon