CHAPTER 13

30 4 0
                                    

[CLAM]

★Siya ang magkukwento kung anong ginawa nila sa limang nambubog sa kakambal niya...


Nasa opisina na kaming apat pero wala pa si Alexander

"Ang alam ko nanood 'yon ng concert,"

"Concert ng Black pink?"

"Are you a blinks?" natatawang tanong ni Zeiler kay kuya Dreen

"Gago, hindi!"

"Magkasama yata sila ni Lhyca.."

"Let him with her, go back to work.." nagsilabasan na kami sa opisina ni Kuya Nick lumipat kami sa opisina ni kuya Dreen

"Leave me alone, go back to work!" nagtawanan kaming tatlo

Kinuha ko ang cp kong kanina pa tumutunog

"Dwight? May kailangan ka, noh?"
"Olol, Christian! Yung mga taga Scorpion binugbog nila si Steve dadalhin namin siya sa hospital!"
"Malala?"
"Malapit ng mamatay, may saksak at dumudugo ang ulo."

Pinatay ko agad ang tawag niya

"May papatikimin tayo ng kamo.." sumunod naman silang dalawa sa akin pinuntahan namin ulit si kuya Nick

"I said-"

"Kuya, si Steve binugbog ng mga taga Scorpion, unconscious.."

Trivia: Ang Scorpion🦂 ay isang gang na minsan ng nakaaway ng magkakapatid na Guevarra. Pero mas may galit sila kay Steve dahil dati na rin silang mga basketball player ng LuzUn pero dahil kay Steve natanggal sila sa team at hindi na nakabalik. Natanggal sila dahil hindi sila sumusunod sa rules at madalas nilang bugbogin ang mga kalaban kapag naglalaro dahil mga pikon po sila.

Napatakbo na kaming apat papunta sa parking lot para kunin ang mga kotse at motor namin

Hindi kami madalas na magkasundo ni Steve pero kakambal ko parin siya kahit anong mangyari. Noong nakiusap siya sa akin na ako na muna ang pumunta sa California dahil sa request ni Daddy pumayag ako, dahil alam kong hanggang ngayon hindi niya parin napapatawad ang tatay namin

May galit ako kay daddy? wala naman, mas close kami kesa kay Steve.

Pagdating namin sa hide out ng scorpion galit na tinadyakan ni Zeiler ang pinto nawasak agad 'yon at tumalsik papunta sa loob

"Labas!" isa-isang nagsilabasan ang mga miyembro nila. Kompara dati, mas maliit na sila ngayon dahil marami ng umalis sa groupo

"Diba sabi ko sa inyo, kapag kinanti niyo ang isa, yayain niyo rin kaming apat, aba!" sa isang suntok lang ni kuya Dreen talsik ang isa sa kanila

"Kapag namatay ang kakambal ko ha-hunting-in ko kayo kahit sa kamatayan niyo pa!" sa tansiya ko mga bente silang nakapalibot sa aming apat

Naglapit kami sa isa't-isa hanggang sa magdikit na ang likuran namin

"Ang laki naman ng pwet mo Christian ramdam ko talaga.."

"Tsk. that's the result of what they called 'himas ng anaconda'"

Biglang naging seryoso ang lahat

"Let me bring you the hell!" sabay-sabay silang sumugod sa aming lahat nang sumigaw si Zeiler parang 'yon ang naging hudyat para sa madugong bakbakan

"Taste the savor of fcking hell!" nagpalit kami ng pwesto ni kuya Nick at sinuntok niya ang nasa likuran ko

Tinadyakan ko naman ang isa napaatras pa siya at namilipit sa sakit. Kinowelyohan ko siya at sinuntok ng dalawang beses, nabitawan ko lang siya ng may sumuntok sa akin

Expectations In- Love [Guevarra Brothers Series #3 (GBS)]Место, где живут истории. Откройте их для себя