CHAPTER 38

34 3 0
                                    

[LHYCA]


"It's really good on you, my gosh, ma i-inlove lalo nito si Alexander.."

Hinaplos ko ang tela ng gown, mula sa bewang pababa, tinitigan ko rin ang sarili ko sa salamin, ang ganda talaga ng pagkakagawa

"Ang ganda mo, ang ganda ng gawa mo.."

"Gumanda sa tulong mo, Thri.."

"Yahh, but your design was really amazing.. bagay na bagay sa'yo ang maging isang passion designer.."

Yung gown na ginawa ko is, tube siya, may pa gloves sa kamay, at may mahabang laylayan, kaya kailangan talaga nito buhatin kapag naglalakad ako, kung hindi mahuhubaran ako ng wala sa oras tubes pa naman walang kapit, kapag natatamaan ng liwanag kumikinang ang tela, may burdang bulaklak sa may dibdib ko

"Ang ginawa naming suit ni Steve ay pinartner namin sa gown mo.."

"Ang ganda talaga, salamat Thrianna.."

"Always welcome, mrs. Guevarra. May pleasure na makatulong sa mga babaeng piniling mahalin ng mga kuya ko na alam kong deserving para sa kanila.."

Binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti, naluluha ako, yung matagal na naming pinapangarap ilang araw nalang matutupad na, yung isa sa mga deni-sign ko naging makatohanan at suot-suot ko pa, yung pangarap kong maging pedia natupad narin. Unti-unti na rin akong nakabawi kay mama at papa

Gusto sana sumama ng apat na mga bruha sa akin para raw makita rin nila ang gown, kaso sabi ni Thrianna mas exciting kapag kaming dalawa lang muna ang nakakaalam kasama pala ang mga assistant niya

"Hey, girls? Baby?" napatalon kami sa gulat ng kunalabog ang pinto mula sa labas, may nagpupumilit non magbukas

"Hayuf ka Alexander!" sigaw ni Thrianna

"Oh, chill gusto ko lang makita ang bride ko.."

"Hindi yun pwede, maghintay ka riyan nakasuot pa siya ng gown, gusto mo bang hindi matuloy ang kasal niyo?"

Naririnig parin namin siyang bumubulong-bulong, lihim kaming napatawa ni Thrianna

"Hubarin mo na 'yan baka makita pa ni Alexander, isusukat mo pa iyan ulit para maayos natin ang mga dapat ayusin, ito nalang ang isuot mo ngayong araw para sa date niyo.." binigay niya sa akin ang isang A-line white dress na above the knee

"Sige, salamat ulit, love you.." niyakap ko siya, niyakap niya rin ako pabalik

"Love you too, alagaan mo si Alexander, ah.."

"Promise.."

Pumunta ako sa wardrobe at nagbihis ng binigay niyang dress. Hindi pa rin ako makapaniwalang ito na 'yong dress na ginuhit ko ng isang buwan, hindi matanggal ang tingin ko sa gown

May sumunod na dalawang assistant ni Thrianna para kunin sakin yung gown at maayos ulit

Paglabas ko, medjo na iilang pa ako sa dress pakiramdam ko wala akong suot ang gaan ng tela sa katawan

"Shutaaa, adik na adik na talaga ako sa'yo, Lhyc. Ang ganda ng baby ko.."

"Apaka bolero nito.." tumawa nalang ako kahit kinikilig na, lumapit siya sa akin hinapit ako papalapit sa kanya

"Maganda ka naman talaga, sobrang ganda.. sobra para maging misis ko,"  napatili si Thrianna ng halikan ako bigla ni Steve sa harap nilang lahat

"Apaka ano naman nito, nakakahiya eh.."

"Well, sorry hindi ako nahihiya, hindi kita kinahihiya.."

"Bonding well sa inyo, bukas hindi na muna kayo pwedeng magkita kaya.. enjoy baka last mo nalang yan Alexander kikidnapin ko na yan bukas"

Expectations In- Love [Guevarra Brothers Series #3 (GBS)]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang