CHAPTER 12

28 4 0
                                    

[LHYCA]

Nagtawanan kami ng magbitaw ng isang biro ang professor namin. Madalas talaga siyang ganito kaya hindi boring ang klase niya

"COMMANDER!" meron pang nasubsob sa sahig ng magsiksikan sila sa pinto makapasok lang agad

"Boys! nagd-discuss ako!"

"Prof, ano po.. emergency lang para kay commander,"

"Commander?"

"Kay.. sino nga?"

"Gago, kay Lhyca po," inangat ko ang kamay ko

"Anong nangyare?"

"Basta sumama ka nalang, prof emergency lang po talaga," sumenyas ang titser na pwede na akong sumama sa kanila, nagpaalam muna ako kay Sean

Emergency? Isa lang ang nasa isip ko wag naman sana

"Anong nangyari?"

"Si ex captain kasi, tumawag siya sa akin na may nagbanta na naman katulad nong nangyare sa inyo sa labas ng parking lot?"

"Na naman?"

"Kaso hindi kami agad nakarating, ang nadatnan nalang namin siya nasa gitna ng daan wala ng.. malay."

"Basag ang salamin ng kotse!"

"Dugoan.."

"Bakit niyo sinabi!" nagbreak down ako at napahagulhol bigla

Hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid ko. Basta nakarating lang kami sa hospital na panay ang iyak ko

Lima lang sila ang sumundo sa akin, nandito na pala ang iba sa labas ng emergency room

"Hindi pa lumalabas ng doctor.."

"Wag.. wag mo akong iiwan," panay lang ang iyak ko, merong humahaplos ng buhok ko, merong binibigyan ako ng tubig, meron pinapaypayan ako, merong kinakantahan pa ako pero walang yumakap.

Dumating si Joy, sa kanya lang ako nakayakap at nakaiyak

"Steve!" ok pa naman kami kahapon, nakangiti pa siya bago kami maghiwalay, niyakap niya pa ako kagabi, hinalikan ko pa siya.

Hindi na nga ako nakapag concentrate sa mga nagcoconcert sa stage dahil sa yakap niya sa akin. Ang mga tili ko kagabi hindi ko alam kung para pa 'yon sa BTS o dahil sa kilig na nararamdaman ko habang yakap-yakap niya ako

"Alam na rin ng apat niyang mga kapatid pero walang isa ang pumunta rito sa hospital."

"Ang sabihin mo, patay na ang nangbugbog kay captain!"

"Sa kamao palang nong batang Zeiler, ewan ko nalang kung hindi mo makita ang five star sa isang suntok niya lang."

Napaayos sila ng umupo at natahimik ng dumating ang apat, lahat sila may mga maiitim na aura sa mga mukha nila, napasulyap ako sa mga kamao nila namumula o hindi kaya nakakuyom pa

"N-Nick, sorry.." hindi ko na matapos-tapos ang sasabihin ko dapat dahil naiiyak na ako

Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyaring masama sa kanya, buong buhay kong pagsisisihan ang salitang binitawan ko noong umamin siya sa akin kapag may nangyareng masama sa kanya

Expectations In- Love [Guevarra Brothers Series #3 (GBS)]Where stories live. Discover now