CHAPTER 26

29 2 0
                                    

[LHYCA]


Sinilip ko ang mukha ni Steve na mahimbing na natutulog, mabilis akong bumangon at sinuot ang jacket niyang parang oversized na sa akin

Tumakbo ako palabas ng bahay at binuksan ang gate "good morning po," kakatawag lang ng Daddy niya na gusto niya raw puntahan at makita si Steve

"Pasensya na at nagising kita.."

"Ok lang po, natutulog pa si Steve.."

"Babalik na ulit ako ng California, gusto ko siya makita muna, pwede ba?"

"Oo naman po, baka magising nga lang siya.."

"Saglit lang ako. Ito pala ang bahay niya na sinasabi ni Clam na pinapatayo noon ng kakambal niya.." nasa unahan niya ako at nakasunod siya sa akin papunta sa kwarto namin ni Steve

"Ayan, nakikita niyo na po kung gaano ka likot matulog," eh paano yung posisyon ni Steve nasa paanan na ang ulo niya, habang ang mga paa niya nasa headboard na ng kama

"Magkaiba sila ni Clam, may kayakap na unan lang si Christian kuntento na kahit gaano kaliit ang tinutulogan niya makakatulog na siya,"

Isa sa mga making akala ni Steve, akala niya hindi sila kilala ng daddy niya, akala niya wala siyang pake sa kanila

"Tabi ba kayo kung matulog?"

Natahimik ako bigla at hindi alam ang sasabihin pakiramdam ko namula ang buo kong mukha sa sobrang hiya. Hindi ako makapagdecide kung magsisinungaling ako o sasabihin sa kanya ang totoo. Nang wala siyang nakuhang sagot mula sa akin, tinawanan niya ako

"May nangyare na ba sa inyo?"

"Po!? Wala po!" gulat na gulat kong sagot

"Proud talaga ako sa mga anak ko, ako kase kinasal na hindi na virgin," natawa ako ng mahina

"Lapitan niyo po siya.." tumulo ang mga luha niya

"Tulongan mo akong mapatawad niya, alam kong mahal ka niya at ikaw nalang ang huling alas ko para mapatawad niya,"

Yung kinita ko kahapon daddy din ni Steve iyon, tulad ng sabi niya ngayon ito rin ang hinihingi niya sa akin kahapon

"Tulad po ng sabi ko kahapon, tutulongan po kita pero hahanap muna ako ng mga pagkakataon para sabihan si Steve na makipagkita o makipag-usap sa inyo.."

Lumapit man o hindi si tito sa akin gagawa talaga ako ng paraan magka-ayos lang sila ng taong mahal ko. Pero ayoko rin pilitin si Steve sa hindi niya pa kayang harapin at alam kong masasaktan lang siya.

Sa buong tatlong buwan na relationship namin kapakanan ko lang ang iniisip niya, mawalan man ako ng oras nandiyan siya para umintindi, kapag sobrang nahihirapan na ako nandiyan siya para tumulong kahit ang mga ayaw at kinakatakotan niya hinaharap niya lalo na kung para sa akin

"Ihaharap ko siya sa inyo kapag alam kong handa na siya," lumapit siya sa akin at niyakap ako.

"Hihintayin ko ang araw na iyon,"

"Gagawin ko po ng lahat para mabuksan ang isip ni Steve sa inyo.." kinabahan kaming dalawa ng biglang nag-iba ng posisyon si Steve. Dali-dali kaming lumabas ng kwarto

"Lhyca?" Lumingon ako sa kanya hindi pa ako tuloyang nakakalabas, ngumiti akkœ ng alanganin. Magulo pa ang buhok niya at nakasimangot na parang bata.

Mabuti nalang at nakalabas agad ng kwarto si tito. Kumaway ako sa kanya ng makita kong palabas na siya ng bahay

"H-hi baby.."

Jusko, hindi talaga ako comfortable na tinatawag siyang baby, nahihiya ako

"Sinong kausap mo?"

Expectations In- Love [Guevarra Brothers Series #3 (GBS)]Where stories live. Discover now