CHAPTER 40

52 3 0
                                    

[LHYCA]

Hatak niya ang dalawang maliit na maleta naming dalawa habang naglalakad paakyat sa eroplano, ako naman ang nagsuot ng back pack at ng sling bag

"Welcome to ZECKA!" nagulat ako kay Shen pati ang ibang pasahero ay napatingin sa kanya, bagay talaga sa isang to ang uniform, meron yatang kulang sa mga FA ng ZECKA kaya nandito to, dati regular job niya ang pagiging flight Stewardess pero hindi na ngayon

"Gaga.."

"Enjoy your honeymoon! Humayo kayo at magpakarami.." tinawanan lang namin siya ni Steve at nagtuloy na sa pag akyat, economy class lang yung kinuha namin, gusto nga niya business class pero syempre ako batas, joke

Hindi naman yun ang importante, makarating lang kami sa Canada ng safe sapat na yun

"Inaantok kana agad?" hinawakan niya ang ulo ko at pinatong yun sa balikat niya

"I want to sleep.."

"Then sleep, do you want me to sing?

"Cocomelon?"

"There's a ten in the bed and the little one side, rollover rollover.." natatawa akong hinampas siya sa braso, kinanta nga niya, nursery rhyme yun eh "baby sharks–" tinakpan ko ang bibig niya ng kamay ko para tumahimik na siya, pinatitinginan na kami ng mga katabi namin

"Shh, tama na."

"Lhyca?"

May tumigil na piloto sa tabi naming dalawa kaya pareho kaming napatigil sa pagkukulitan, bigla rin sumulpot si Shen at patikhim-tikhim

"Kamusta na?" tinitigan ko siyang mabuti para alalahanin ang mukha niya

"Carlo!?" natawa siya at napatango

"Grabe akala ko makakalimutan mo ang grade 7 crush mo.." mabilis na lumiko ang tingin ni Steve sakin

"Oo,  nawala na sa isip ko, eh.."

"Inlove na inlove ka sakin dati eh.."

"Kapal!" tumawa kaming dalawa

"Carlo, right?" nagseselos na 'to

"Ah yeah–"

"I'm Steve–" hinawakan ko ang kamay niya at binaba mula sa pagkakalahad nito kay Carlo

"Asawa ko nga pala, Carl.."

"Ow, I see congrats, so see you around?" tumango ako at ngumiti, pumunta na siya sa cockpit para magpalipad ng eroplano

Hinawakan ni Steve ang ulo ko at sinandal sa dibdib niya "rest.."

"I love you, baby.."

"I love you.."

"Hoy honeymooners gising na nasa Spain na tayo.."

Spain!??"

"Jok lang, palapag na tayo kayo umayos na kayong dalawa.." napaayos kami ng upo at hindi ko mapigilan ang ma excite, omg!

Toronto here we gooooo!

Ang dami kong gustong puntahan dito, kung hindi ako nag-aral para maging pedia, siguro isa na ako sa mga nurse dito ngayong sa Canada

Sinundo kami ng shuttle ng pinag bookan naming hotel, bawat madadaanan namin mga establishment at tanawin nakakamangha.

Pagkapasok namin sa room, tumakbo agad ako papuntang veranda, nabusog ang mga mata ko sa tanawin, mula sa hotel na 'to ang pinakamataas na hotel sa Toronto kita ang mga gusali at ganap sa  ibaba

Expectations In- Love [Guevarra Brothers Series #3 (GBS)]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon