CHAPTER 21

27 2 0
                                    

[STEVE]

Mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakapulopot ng mga kamay ko sa bewang niya.

"Lhyc, ba't ganon parang wala akong niyayakap.." biro ko pa sa kanya. Ang liit kasi ng bewang niya

Liningon niya ako ng nakanguso, pero kinukurot na niya pala ang kamay ko, napangiwi ako ang sakit

"Lhyc, naman ang sakit.."

"Sana pala si dambo ang tinanong mo na maging gf mo kung kayakap lang naman ang gusto mo,"

"Nagbibiro lang naman," hinimas ko yung kinurot niya nagmarka ang talaga ang kuko

"Biro raw, seryoso ka roon, eh.."

"Bakit ka nagagalit kasi tinamaan ka, kasi totoo.."

"Eh, ano naman kung totoo, ano naman kung tinamaan ako?"

"Tama na," natatawa akong niyakap siya ulit "ako nga tinamaan sa'yo,"

"Monglo.."

"Babi!' basag trip talaga to. Siya naman ang tumawa

Nasa rooftop kami nitong hotel, dito lang namin napiling pumunta. Umupo siya sa may gutter

"Malalaglag ka!"

"Kung itutulak mo ako,"

Nasa likuran niya ako, nakatalikod siya sa akin at nakaharap sa mga tanawin

"Lhyc, malalaglag ka,"

"Ito naman takot na takot.."

"Pagnalaglag ka sa tingin mo mahubuhay ka pa?"

Hinawakan niya ang mga braso kong nasa bewang niya

"Okay lang, hindi naman ako takot mamatay.."

"Eh, paano ako?" tinawanan niya ako at sinandal ang likuran sa akin

Ganito pala sa feeling 'yong  minahal ka rin pabalik ng taong mahal mo. She's my first girlfriend, I never felt a regrets of chosing her over everything

Ngayon naiintindihan ko na kung bakit baliw na baliw ang mga kapatid ko sa mga girlfriend din nila. They are different that no one can define even us

"Hindi kita iiwan.." dinig kong bulong niya

Sa buong buwan na  naka-coma ako kahit sa panaginip ko nalang nahuhulog ako sa kanya. Madalas ko siyang nakikita nakaupo sa isang garden umiiyak pero sa tuwing lalapitan ko siya ang mga mata niyang kumukinang sa luha napapalitan 'yon ng kinang na dulot ng saya. At sa tuwing tatayo na siya at aalis maglalakad palayo sa akin ang mga bulaklak sa harden nalalanta at ako na unti-unting nawawalan ng buhay. Isang sigaw niya lang ng pangalan ko nabubuhayan ulit ako

Kaya noong magising ako, hindi ko siya makilala naging palaisipan sa akin kung ano siya sa buhay ko. Alam ko may parti siya sa akin at alam 'yon ng puso ko. Mahal ko na siya kahit sa panaginip ko palang pero mas mahal ko pala siya noon bago ako nacoma at ngayong naaalala ko na lahat sa kanya corny man pero hulog na hulog na ako sa kanya

Expectations In- Love [Guevarra Brothers Series #3 (GBS)]Where stories live. Discover now