EPILOGUE 💜

74 4 0
                                    

[STEVE]

"Ayusin niyo, yung mga kalat ligpitin niyo.." utos ko sa mga taong katulong ko gumawa ng boutique

Kasalukuyan namin inaayos ang isang pwesto dito sa mall na nakuha namin para gawing boutique para sa mga gown na kay Lhyca mismong mga gawa ang ebebenta

"Bakit basa ang sahig?"

Dali-dali naman nilang pinunasan

"Dadating ang asawa ko, hindi yun pwede matisod or worst matumba.."

Iniba kase namin ang pwesto ng mg gamit may mga binawas at dinagdag ako para maging fit talaga sa mga gagawin ni Lhyca

"Steve.." sinalubong ko sila ng mga bata, hawak nina Xynon at Zach ang magkabila niyang kamay para alalayan siya

"Careful hindi pa kami tapos mag-ayos, tignan mo ang dinadaanan mo.."

"Wala akong makita.."

"Huh??" Hinawakan ko siya sa baba at tinignan ang mukha niya, bigla siyang natawa

"Wala akong makita sa dinadaanan ko, nakaharang si baby.." natatawa niyang sabi

Ahhh, malaki na kase ang tiyan niya, malapit na kase siya manganak

"Halika-" naitambak ko sa mukha niya ang towel na ginamit kong pampunas ng pawis ko ng biglang may nagalaw ang isa sa mga tauhan ko dahilan para magsiliparan ang alikabok

"What the!?"

"Sorry po, sir hindi ko po sinasadya, hindi ko po alam na makapal pala ang alikabok.."

"It's okay.." senyas niya roon "tama na, hindi naman niya sinasadya," hinawakan niya ako sa braso at ginaya palabas

"Gusto ng dalawang bata pumunta sa timezone.." napalingon sa akin ang dalawa at nagningning ang mga mata ng tumango ako

"Walang tatakbo!" parang nag slow motion ang lahat sa kanilang dalawa "walang hihiwalay sa amin ng tita-ninang niyo, mahirap na.."

"Tito, kapag naulit yun, may bago ng kwintas si Ally.."

"Loko-Loko! Bakit hindi niyo kasama yung tatlo?"

"Eh, gusto nilang tatlo maiwan doon sa kambal eh, ang ingay umiyak naririndi si kuya Zach, niyaya niya ako sumama kay tita-ninang.."

Hawak namin silang dalawa ni Lhyca papuntang timezones "hindi ka pa nagugutom?" bulong ko sa kanya, umiling siya

"Siya nga pala tito, kelan ulit ang training?" Ginulo ko ang buhok ni Xynon, hindi talaga nakakatiis ang isang to na wag dumaldal. Si Zach tatahimik lang pero mapapahiya ka rito kapag may nakita siyang mali sa galaw at salita mo

"Once in a week lang diba? Kaka training lang natin kahapon.."

"Sabi ko nga po.."

"Maglaro na kayong dalawa, 11:30 kakain na tayo ng launch may 30 mins pa kayo.."

"Of course, why we will eat dinner it's just 11 am.." talino talaga ng batang to.. pagdating sa pambabara

Expectations In- Love [Guevarra Brothers Series #3 (GBS)]Where stories live. Discover now