CHAPTER 11

26 4 0
                                    

[STEVE]


I waited her for almost 3hours. Bakit hindi nalang ako umalis agad? Kasi umasa talaga akong dadating siya, na makikita ko siya. But my expectation turns into painful reality

Nagpresinta akong samahan siya mamili ng gusto niyang bilhin. Doon nalaman ko paborito niyang kulay ng damit ay purple, mahilig siya sa doll shoes at sandals kesa sa rubber shoes, nalaman ko rin ang paborito niyang brand ng make up, ng pulbo at lotion. Ang saya ko non nalaman ko ang mga paborito niya kahit simpeng bagay lang. Yun ngalang kinagabihan non sumakit ang braso at likod ko


Pagkatapos non, hindi na niya ako kinontact at hindi na ulit kami nagkita. Nahihiya naman akong e chat siya

Hanggang sa nakabalik na si Clam

Sinabi ko sa kanya ang tungkol kay Lhyca. Kumakain kaming dalawa sa harap ng TV dalawa lang kami. Nasa sofa ako habang nasa baba siya nakaupo sasahig. 'Yong ulo niya pinapatungan ko ng mangkok na may popcorn

Sa selpon, damit, gamit, kotse at condo nagpalit na ulit kami at bumalik na sa dati. Gusto ko siyang makita ulit bilang si Steve na talaga

@LhycaBautista
– hey bukas nalang pala tayo mag meet, hindi natuloy yung una kong lakad

@TianGuevarra
–sorry I'm not available, miss

Namilog ang mga mata ko at mabilis na binatokan si Clam. Nabitawan ko rin ang mangkok at tumama sa paa niya

Hinablot ko ang selpon niya mula sa kanya at nireplyan si Lhyca

@TianGuevarra
–jok lang, effective ba? Bukas? As in sure na?

@LhycaBautista
–yeahhh

@TianGuevarra
–susunduin nalang kita bukas

"Siya ba 'yan?" In-stalk niya ang profile, naka nurse attire pa siya

"Kilala ko 'to, ah.."

Binayaran ko pa ang gago ng isang libo para makiayon lang sa plano ko. Na sumama siya sa akin na sabihin kay Lhyca ang totoo

Pero bigla siyang tumakbo palabas ng restaurant. Sumunod ang chef na kaibigan niya at ang isa pang babae na may takip sa mukha na panyo

Sumunod din ako, narinig ko ang usapan nila. Nasaktan ako syempre parang sinampal ako ng realidad

'hoy tanga ito ang totoo ginamit ka lang niya"

Parang ang sarap suntukin ng boses na nasa loob ko

"Your just playing all along while I'm fucking starting to falling.." in love.

She confessed, and I'm afraid in the reality that we will never meet again. So that I made a deal with her.

Napakatanga ko sa part na nakalimutan ko ang usapan namin dahil sa laro. At ako pa talaga ang nagyaya kay Xylene at Clam na may laro kami. Ang tanga!

Tinawagan ako ni kuya Dreen na nagalit daw si Lhyca kay Xy kaya hindi natuloy ang lakad nila nagalit pa sa akin si kuya.

Nag-usap kami kung paano namin susuyoin si Lhyca. Ang sabi pa ni Xy matagal bago magpatawad si Lhyca bigla tuloy akong kinabahan pero may isa naman siyang paraan na binulong

Iniwan nila akong dalawa, may lumapit naman na babae sa akin

"Steve, bumalik na ako.. pangako hindi na kita iiwan. Ginamit mo lang ba siya para bumalik ako sa'yo? Oo mahal parin kita." lumingkis siya sa braso ko na parang anaconda

Expectations In- Love [Guevarra Brothers Series #3 (GBS)]Where stories live. Discover now