CHAPTER 28

24 2 0
                                    

[LHYCA]

Nagising ako na ang init ng pakiramdam ko para akong sinusunog, pero nanginginig ang katawan ko sa lamig, ramdam ko rin ang pamamanhid.

May naramdaman akong dumamping palad sa noo ko pagkatapos ay upoang parang sinipa na ewan. Hindi ko pa kase binubuksan ang mga mata ko

"NURSE! DOC!" si Steve, sinubukan ko bumangon pero ang sakit ng katawan ko kaya gumulong nalang ako pagilid

"Lhyca!" May isang bagay ang nalaglag matapos ang sigaw ni Steve. Then, narealize ko nalang, nasa bisig na niya ako. Sinalo niya ako sa muntikan ko ng pagkalaglag sa kama

"Bakit mo ginawa yon?" 

'sorry' I mouthed

Binalik niya ako sa kama. Dumating na rin ang nurse at doctor na dati ko ng kakilala at naging kasamahan noong nagtatrabaho pa ako bilang isang nurse.

"Kailangan mong magpahinga, inomin lahat ng mga gamot at kumain ng marami," natawa ako ng bahagya, bubuka palang sana ang bibig ng doctor ng inunahan na siya ni Steve sa pagsasalita

"Sabi ko nga," tumalikod si doc at lumabas na ng kwarto, attitude talaga

"Si doc Estrade ganon parin, ah.." tumawa ang nurse at tinapos na ang ginagawa niya sa akin

Nang umalis siya linapitan agad ako ni Steve "Do you want to eat?"

Tumango ako at bahagyang bumangon, tinulongan naman niya akong makasandal sa kama. Kumunot ang noo ko ng makita ng selpon niyang nasa sahig

"Yung.. cp mo, baka maaapakan yun. Paano napunta ang selpon mo sa sahig?"

"Uhh, sheyt.. nabitawan ko kanina ng salohin kita.."

Mabilis akong napatingin sa kanya "sorry.." pinulot niya ang selpon niyang nabasag talaga ang screen nito

"It's okay, bibili nalang ako ng bago. Kung ikaw yung hindi ko nasalo kanina sa tingin mo may makikita pa akong katulad mo?"

"Hmm, madami namang maiingay sa palengke may mahahanap ka doong kaseng ingay ko, try mo.."

Nanggigigil siyang pinisil ang magkabila kong pisngi "you have your own uniqueness that I can't find it to someone else. And besides, I already see my future with you no one else.."

"Alam mo, sabi nila pag pinapangunahan o pinagpaplanohan mo ang mangyayayre di yun matutuloy,"

Nanlaki ang nga mata niyang napatingin sa akin. "Potaena,"


"Malay mo di talaga tayo yung para sa isa't-isa. Baka yung nakatadhana sa'yo may hawak ng tungjod. Yung para naman sa akin nagsisimula palang magsulat.." linapit niya ang mukha niya sa akin habang namimilog ang mga mata

"Gusto mo may turoan ka ng magsulat at magbasa?" seryosong tanong niya habang tumataas baba ang adams apple niyang nakatitig sa labi ko

Napaatras ako at linayo ang mukha niya sa akin.

"Steveeee!"

"Aanakan talaga kita dito ngayon, sige ka di ka pa tumigil diyan,"

"Stop. I want to eat," pigil ko sa dapat niyang sasabihin

Expectations In- Love [Guevarra Brothers Series #3 (GBS)]Where stories live. Discover now