CHAPTER 15

32 4 0
                                    

[LHYCA]

I felt like an ice cream slowly melted by the heat of sun

Hindi ako nakapagsalita, hindi mawala ang tingin ko kay Steve habang dahan-dahang tumutulo ang mga luha ako. Hindi niya ako maalala pero bakit ako lang?

"Tawagin niyo ulit ang doctor."

"Hindi mo siya kilala, Steve?" tanong ni Clam

"In parking lot," ani joy

"Coffe shop," Shen

"The 5k bill," Zeiler

"Mall, the paper bags." Acey

"The deal," Nick

"In school!" linapitan siya ni Clam at niyugyog

"Yong pagsuyo mo!" si Dreen mula sa video call

"Yung tinuro ko sa'yong dalhin mo siya BTS concert!" Xylene

"Babi," banggit ko at tuloy-tuloy na tumulo ang mga luha ko

"Anong mga pinagsasabi niyo?" sinapo niya ang ulo niya na parang nasasaktan

"Umalis nga kayo, imbis na gumaling ang anak ko mas lalo lang siyang nasasaktan!" dinuro niya kami at tinuro ang pinto

Ang sama ng tingin nang nanay niya sa amin lalo na sa akin. Lumabas kami ng kwarto

"Doc.. bakit po ganon?" si Nick na ang nagtanong, wala na akong lakas

"Sa case niya, may mga pangyayari talagang ganon. Isang tao lang ang nakalimutan niya matapos ang matagal niyang pagka-coma." napaangat ako ng tingin

"Pero bakit po nangyari 'yon?"

"Possible na, ikaw ang huli niyang inalala bago siya nawalan ng malay or in the other case ikaw ang ayaw na niyang maalala. I'm not sure about his real reason pero iyan ang mga pwedeng nagiging dahilan,"

What if, ayaw na niya pala akong maalala kaya pinilit niya akong kalimutan?

"Pero maaalala niya pa ba si Lhyca, doc?" si Shen

"Pwede naman kung sasabihin niyo sa kanya o may mag-triggered sa mga alaalang nakalimutan, pero ingat lang dahil the more na madami siyang naalala sasakit ang ulo niya,"

"Salamat po,"

Napaupo silang lahat sa tabi ko at pare-parehong napapaisip.

"Hahanap lang tayo ng pagkakataon, sasabihin natin sa kanya,"

Hinawakan ko ang balikat ni Nick "wag.. wag niyong sasabihin sa kanya ang totoo,"

Sabay na napabaling ang mga ulo nila sa akin

"Pero, Lhyc.."

"Kung mahal niya ako aalahanin niya lahat ng alaala namin, pati ang nararamdaman niya para sa akin." ngumiti ako ng tipid sa kanilang lahat

"Hindi ka niya matatandaan kung hindi ka gagawa ng paraan. He need a thing or a scenarios will remind him of you,"

"Tutulongan ka namin, Lhyc!"

"Gagawin natin kapag nakalabas na siya,"

"Umpisahan natin sa kung paano kayo nagkakilala,"

"Pero paano? Sigurado ba kayo? Hindi ba delikado?"

Expectations In- Love [Guevarra Brothers Series #3 (GBS)]Where stories live. Discover now