CHAPTER 22

22 3 0
                                    

[LHYCA]

Pagkalabas ko ng classroom parang nabunutan ako ng tinik at nakahinga ng maluwag. Tapos na ang exams at mga projects pwede nang magpa chill-chill. Ang sabi kasi ng iba ganito raw sa LuzUn, 2 weeks kang makakahinga ng maluwag dahil 2 weeks na walang pasok lahat sport fest lang. Kahit anong sports na available sa isang school meron ang LuzUn. Bigla akong na excite mas masaya kapag kasama ko sana sina Joy para sabay-sabay kaming manood katulad nong high school palang kami

"Para kang ibon na bagong kawala sa hawla.."

"Gago.."

"Libre kita, wala pa naman si Steve diba?"

"Mamaya pa 'yon, maaga uwian natin ngayon, eh.. tara!" hinatak ko siya palabas ng gate tumigil sa tapat ng isang food street vendor

"Dalawang basong siomai akin, ah," binawi niya agad mula sa pagkakahawak ko ang kamay niya

"Ang siba mo naman, magiging ninong na ba ako?"

Bwesit talaga 'to, sinamaan ko siya ng tingin. Napatitig sa akin si manong, baka sabihin nito nag-aaral pa ako kumakaringking na ako. Tabi lang naman kami ni Steve matulog minsan, take note ng may damit at hanggang yakap lang kami. Si Sean parang tanga. Nakangisi pa siya na parang nakaganti na sa akin sa ginawa ko sa sandwich niya kanina paano inubos ko

"Sean, tinahi mo na ba yung butas ng slacks mo!?" Linakasn ko talaga ang boses ko para marinig ng ibang dumadaan lalo na ng mga babaeng nakapaligid sa amin at nakatitig sa kanya

"Gagoo, maayos 'to!" binatukan niya ako bigla, namula ang mga tenga niya sa hiya

"Kahapon nakita ko, kulay blue ba ang boxer mo?" nasapo niya ang sariling noo

"Anong pinagsasabi mo?"  bulong niya sa akin

"Tsaka, bakit nakaraan may nakita akong gamit na condom sa bag mo, small yung size nakita ko ang supot sa gilid ng bag mo.. hahahahaha," mabilis akong tumakbo palayo sa kanya ng akmang hahabalusin niya ako ng bag

Biro ko lang naman lahat ng 'yon at puro hula ko lang din. Akala niya sa akin matatalo niya sa gantihan

"Pumapatol raw aa bakla si Sean?"
"Narinig ko lang din kanina.."

Gusto kong maglumpasay sa kakatawa. Kapag talaga ang chismis nagsalin-salin sa ibang tao nagkakaroon ng bagong imbentong kwento

"Kuntento ka na?" lumapit siya sa akin dala ang tatlong baso ng siomai

"Satisfied, tandaan mo hindi ka mananalo sa akin…"

"Ang ingay ng bunganga mo, hindi ko talaga alam paano naka survive si Steve sa'yo. Ako nga rinding-rindi na.." napasimangot ako, tagos na tagos eh tinamaan ako sagad hanggang buto

"Biro lang tanga, may sasabihin ako sa'yo.." pabiro ko siyang inismiran

"Ano na small ka talaga!?"

"Eh, kung pakita ko kaya sa'yo 'to.. nakakailan ka na sabi ng alaga ko, pag siya napikon.."

"Olol! Puputolin ko pa yan, makita mo!"

"Seryoso nga kasi, Lhyc, may sasabihin ako.."

"Ano? Subukan mo agawin si Steve!"

Expectations In- Love [Guevarra Brothers Series #3 (GBS)]Where stories live. Discover now