CHAPTER 18

26 3 0
                                    

[LHYCA]


Nakangiti kaming lima habang palabas ng hospital, ang sarap sa pakiramdam na may natulongan ka

"Hi.. kayo ba iyong nagpaanak sa babae sa parking lot?" may isang reporter ang humarang sa amin dalawa lang sila kasama ang camera man niya.

"Ahh, opo.."

"Pwede ko bang mahirap ang kaunti niyong oras para sa interview?"

"Kelan nyo po babayaran ang hihiramin niyo?" Gago talaga to

Tumawa ang babaeng reporter, sina Sean at Charles panay ang kaway sa camera at sabay sabing artista na raw sila

"Sige po.."

"Ako si Caliope Vilar mula sa star network, paano niyo nakita ang babae sa parking lot? Oras ng klase ngayon at naka-unirform pa kayo.."

"Ah, kasi po may bibilhin kaming material para sa reporting namin, sa parking lot kami dumaan, may narinig kaming sumisigaw ng tulong.." sagot agad ni Sean mukhang timang

"Naghiwa-hiwalay kami para mahanap namin siya. Nadatnan namin siya sa pinakdulo ng parking nakaupo na sa sahig at pumutok na ang panubigan niya.." si Krizza

Inagaw ni Charles mula sa reporter ang mic at siya ang humawak non sabay tingin sa camera "Dadalhin nalang sana namin siya sa hospital kaso hindi na niya kaya at malapit ng lumabas ang bata."

"Ginawa naming sapin ang malong ni Charles at pambalot naman sa bata ang damit ko, si Lhyca na ang nagpalabas ng bata dahil tumawag na kami ng tulong sa labas.."

"Ikaw ang nagpalabas ng bata, may kaalaman ka ba? Paano mo natutunan ang paraan sa pagpapaanak?" Tinutok niya sa akin ang microphone

May interview pala kami edi sana nagpa-hairstyle muna ako, nagbihis, o hindi kaya nagpulbo man lang ang panget ko tuloy sa TV. Panget nito ka-bonding

"Dati lang po akong nagbabasa ng mga libro tungkol sa pagpapaanak. Noon gusto ko maging midwife, pero napaisip ako gusto ko na maging pediatrician."

"Isa kayong mga bayani, nakapagligtas kayo ng isang buhay, dapat kayong tularan at gawing inperasyon ng mga kabataan ngayon.."

"Hehehe, salamat po.."

"Salamat din sa oras niyo.. nakausap natin ang limang medical students na tumulong sa isang babae na inabotan ng panganganak sa isang parking lot.. ito sa Caliope Vilar nag nabalita mga kaibigan.."

Hindi mawala ang mga ngiti sa labi namin habang nagbabantay ng taxi. Parang ang gaan ng pakiramdam namin at walang dinadalang problema.

"Makikita ko na sa TV ang mukha ko.."

"Mukha mong kay panget?"

"Ang itim ng budhi mo, Sean.."

"Hala! Wala pa tayong nagagawang report!" hindi namin pinansin ang pagra-rant ni Krizza

"Kelan ba reporting non?"

"Group 1 tayo, edi bukas na.."

Nawala ang mga ngiti namin at napatigil sa paglalakad. Pakiramdam ko gumuho ang mundo naming lima

"Ano?"

Expectations In- Love [Guevarra Brothers Series #3 (GBS)]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz