Chapter 1

4.7K 162 6
                                    

Chapter 1

I don't really get why everyone in my school branded me as the notorious bad girl. Kung may bad boy, may bad girl din gano'n? Hindi naman ako bully like some sort of a typical mean girl. Actually minsan pinagtatanggol ko pa nga iyong mga binu-bully.

Is it because I'm usually silent? That I intimidate them a lot? Because I have sharp eyes? Kasalanan ko ba 'yon?

What can I do with my coolness, really? Yes, I find my eyes the coolest! Para raw ako laging galit idagdag pa ang napakadepina kong kilay na tila laging nagmamataas.

Maraming nagsasabi na kamukhang-kamukha ko raw ang Lola kong hindi ko na naabutan noong kabataan niya. I was even named after her.

Lagi kong nakikita ang mga naglalakihang portraits niya sa ancestral house namin sa Iloilo at sa tuwina ay lagi rin akong namamangha. Iyong kahit ilang beses ko nang nadadaanan sa pasilyo, napapatigil parin ako at napapatitig. She's just so elegant, sophisticated, beautiful and there's something in her portraits that makes her looked somewhat... mysterious. It even give me goosebumps sometimes. She's like a hidden goddess from an unknown world.

Kung kamukha ko si Lola Aurora, sobrang ganda ko naman pala kung gano'n. Para sakin mata niya lang naman ang nakuha ko. That makes me the coolest!

"Ang cute no'ng transferry!" Thelma beamed while we're inside the school cafeteria, eating lunch.

Natigil ako sa pagkain dahil sa sinabi ni Thelma. Kumunot ang noo ni Jorge habang si Adi naman ay ngumisi.

"We have new classmate?" takang tanong ni Jorge sabay baling sa amin. "Second period na ako nakapasok," dugtong niya.

"Yes, sa harap ni Kye nakaupo." ani Adi na hindi ko alam kung bakit medyo natatawa.

"Sa upuan no'ng nag-drop out?" si Jorge ulit.

Tumango-tango si Thelma. "Oo pero mukhang sobrang mahiyain."

"Yeah," Adi laughed a bit. "Yeah, I saw his face when he saw Kye's not properly fixed blouse. He's as red as tomatoes!"

Tuluyan na akong tumigil sa pagkain. Seriously? Bakit ito ang topic namin sa hapag?

"Really?" Jorge giggled and then glance at me. Gano'n rin si Thelma na bumaba pa ang tingin sa blouse ko na namang hindi maayos. "Lagi talagang nakakalas ang butones ni Kye ano?" Jorge said, mocking me. Sinundan iyon ng tawa nilang tatlo.

Oh, please! Umirap ako at humalukipkip. "I'm not comfortable with our blouse. Nasasakal ako pag naka-fully buttoned." pagdadahilan ko 'coz it's the truth.

"Kaya ka may fanclub eh." si Jorge ulit sa nanunuyang boses.

I glared at them. "Gayahin niyo nalang kung gusto niyo rin ng fanclub." I said sarcastically.

"You're so pikon, Kye!" Then they laughed again.

Remind me, why am I friends with them again?

I groaned. "Annoying! I'm done here. Really!" Tuluyan na akong nairita at tumayo na mula sa pagkakaupo. Ilang beses pa nila akong tinawag hanggang sa tuluyan na akong nakalabas sa cafeteria.

Sanay naman na ang mga iyon sa pagiging moody ko. Mula pagkabata ay magkaibigan na kaming apat. We're like sisters that understand each other's flaws. Si Thelma na sobrang arte, si Jorge na tamad, si Adi na weird at ako na moody.

Pero para sakin, ako talaga 'yong pinaka 'out' sa aming apat simula pa man noon. Siguro dahil ako lang ang walang same traits, hobbies o personality sa aming magkakaibigan. Sila kasi madalas may pagkakatulad.

his innocenceTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang