Chapter 17

3.2K 135 10
                                    

Chapter 17

Isasabay pala nila ngayong school year ang School Festival at Sports Fest, kaya naman lahat ng faculty sa eskwelahan ay puro busy para ro'n. Idagdag pang sa Lunes at Martes na ang quarterly exam namin.

"Thank you,"

Napabaling ako kay Gaddiel na nagsisimula nang kainin ang dala kong lunch. Dinampot ko na rin ang kutsara at tinidor ko pero hindi nilulubayan ng tingin si Gaddiel.

Mahinhin siyang kumuha ng portion sa caprese chicken breast saka iyon isinubo. Napalunok ako habang pinanonood siyang mabagal na ngumunguya. Napatigil siya nang mahuli akong nakatitig sa kanya habang kumakain. Ngumiti siya sa akin.

"It tastes good. Thank you, Lia..." sabi niya ulit. Hindi ko na nasundan kung ilang beses na siyang nagpasalamat sa akin ngayong araw.

"Told ya', our cook's the best." sambit ko.

Nagpatuloy kami sa pagkain. Hindi ko na siya tinukso para makakain siya nang maayos. Ang gaan ng pakiramdam ko dahil mukhang nagustuhan niya talaga ang lunch na dala ko.

"Bukas nga pala,"

"Hmm?" Nag-angat siya ng tingin.

"Saan ka?"

His head move confusedly. Tila na-freeze rin ang bibig niyang ngumunguya kanina. Slow talaga.

"Bukas, saan ka mag-aaral?" I asked clearly.

"Ahh," he said as he fix his eye glasses. Nilunok niya ang pagkain na nasa bibig niya saka paulit-ulit na tumango sa akin. "At home,"

Kumunot ang noo ko at napatigil sa pagkain. Ibinaba ko ang hawak na kubyertos. "Hindi ka dito mag-aaral?"

Napansin niya ang kakaibang ekspresyon ko kaya dahan-dahan ang ginawa niyang pagtango. Hindi na ulit gumagalaw ang bunganga niyang may lamang pagkain. Oh shit, he look like a scared baby!

Titig na titig siya sakin at tila pinag-aaralan ang ipinapakita kong ekspresyon.

Napanguso ako sa harap niya. He's so cute, damn it. Muli kong dinampot ang kubyertos ko at nag-iwas na ng tingin kay Gaddiel.

"Then I guess, I'll just have to stay at home too... tomorrow." wika ko. Nagpatuloy kami sa pagkain pero pansin ko ang naninimbang na titig ni Gaddiel.

Nagliligpit na kami ng pinagkainan nang maramdaman ko ang marahang paghila ni Gaddiel sa dulo ng manggas ng blouse ko. He acts like a kid who wants to catch my attention.

Nang lingunin ko siya ay napatiim bagang ako. Pulang-pula ang ibabang labi niya dahil sa mariin niyang pagkakakagat. Ang eye glasses niya ay nasa dulo na ng ilong niya kaya kita ko ang namumungay ngunit tila kinakabahan niyang mga mata.

Can I just kiss him? Like right here, right now!

Napalunok ako. "Ano?"

"U-uh..." he stuttered. He's nervous and I'm thrilled. Kagat niya parin ang ibabang labi niya at parang nalilito ang mga mata niya.

"Go on," I slowly urge with my raspy voice.

"Perhaps, d-do you want to s-study together?" He asked, sounding so unsure. Nag-iwas siya ng tingin at pinaglaro ang mga daliri. "P-pero kung ayaw mo--"

"Gusto ko!" my loud voice echoed inside the library but I didn't cared at all.

Napapitlag pa si Gaddiel dahil sa gulat. I can't help but chuckled like mad.

"Sorry," I even made a peace sign while suppressing my wide smile. Bakit ba ang dali-dali kong mapangiti pagdating kay Gaddiel? Kanina lang parang gusto kong bumusangot.

his innocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon