Chapter 11

3.5K 153 28
                                    

Chapter 11

"You're welcome," bungad ni Adi sakin nang umupo ako sa upuan ko. Tinaasan ko lang siya ng isang kilay habang nangingiti parin. I know what she's talking about.

"You had fun triggering my feelings Adison," mapanuya kong tugon na ikinangisi niya lang.

Para akong asong nakakita ng nakakita ng paboritong pagkain nang makita ko si Gaddiel na dumaan sa tapat ng bintana, papasok palang siya sa classroom. Umupo ako nang maayos ay hinintay ang pagdaan niya sa gilid ko.

Nang tumapat siya sakin ay isang segundo kong ipinasada ang daliri ko sa maputla niyang braso. Para siyang pusang muntik nang mapatalon dahil do'n. Nang balingan niya ako ay ipinakita ko kanya ang pagkagat ko sa ibabang labi ko at pinapungay pa ang mga mata.

He blushed and look away immediately. Nakita ko pa ang bahagyang pagnguso niya bago niya inayos ng suot na salamin. Mabilis siyang umupo at upuan niya nang hindi ako nililingon dito sa likod.

Sinapo ko ang bibig para pigilan ang malakas na pagtawa. Malamang may mga nakapansin sa ginawa ko pero wala akong pakialam.

Oh my God! Teasing my angelic boyfriend will be my favorite hobby from now on.

Nagkaroon kami quiz sa math pero hindi manlang niyon nasira ang maganda kong mood. Kahit pa 8/20 lang ang nakuha kong score.

8 items lang kasi ang nasagutan ko bago kami nag-check ng papel. Alam ko naman na ang mga sagot sa bawat items pero kailangan pa raw ipakita ang solutions. Mahaba ang solutions at marami pang process kaya nakakatamad. Mas gusto ko pang titigan ang likod ni Gaddiel na nagko-concentrate sa pagsasagot at halos hindi na umahon sa pagkakayuko sa papel niya.

Lunch break, alam na agad ng mga kaibigan ko na hindi ako sasabay sa kanila kaya nauna na silang lumabas. Nanatili akong nakaupo sa upuan ko habang pinanonood si Gaddiel na ayusin ang mga gamit niya.

Tinapunan niya ako ng tingin kaya tinaasan ko siya ng kilay habang nilalaro ko ang ibabang labi gamit ang mga daliri.

Kumurap-kurap siya at pinagpatuloy ang ginagawa. Agad rin siyang natapos kaya tumayo na ako.

"Sa labas tayo?"

He licked his lower lip before he fix his big eye glasses. "Uh anywhere is fine,"

Lumabas kami ng classroom at naglakad papunta sa gate.

"Have you tried wearing contact lenses?" tanong ko. Gustuhin ko man siyang tukso-tuksuhin gaya kanina ay ayaw ko namang ipatawag kami ng Guidance dahil sa PDA. Besides, hindi ko dapat dungisan ang school record niya. He's a good boy.

Mamaya na, paglabas sa campus.

Nilingon niya ako. "Not yet."

"Do you want to try it?" I asked. "Eye glasses are hassle, you know..." I wiggled my eyebrows a bit so he'll understand what I mean.

But of course, he didn't get it. "Yeah, hmm it falls off my face a lot."

"That's not what I meant," sobrang hina kong bulong. I mean, when we kiss, it's hassle!

"Huh?"

Umiling ako. Nakalabas na kami sa gate at nasa tapat na kami ng kalsada. Maraming sasakyan dahil tanghali kaya tumigil muna kami sa tapat ng pedestrian lane.

"Fastfood tayo. I want to get freebie toys," I said. Lito siyang tumingin sakin pero sumang-ayon naman.

Nang muli ko siyang balingan ay nakatingin siya sa traffic lights. Unti-unti akong dumikit sa kanya at kunwari ay balewalang ipinulupot ang braso sa braso niyang namumula na sa araw. Gano'n rin ang magkabilang pisngi at ilong niya.

his innocenceWhere stories live. Discover now